The Diary Game Season 3 (November 5, 2021) - Emergency Response Training Graduation

in Steemit Philippines3 years ago

Isang mapag palang araw po sa lahat!

Noong October 29, 2021 kami na mga trainees na sumailalim sa Basic Emergency Rescue Team Training ay tuluyan ng nag- Graduate. Pagkatapos ng mga ilang Linggo na pagsisikap upang maka survive sa mga training ay tuluyan namin nakamit ang sarap ng tagumpay.

250354946_632213231482889_1163650732243491218_n.jpg

Ako ay nagkaroon ng pagkakataon ng makapag speech sa aming graduation ceremony, dahil ako rin ay naatasan na maging Batch President. Sa aking mensahe ay pinasalamatan ko ang mga tao sa likod ng programang ito na nag sacrifice ng oras nila upang kami ay matuto ng mga karagdagan kaalaman sa iba't ibang larangan ng pagliligtas sa ibang tao.

250318140_4921404401225678_8399149513636772445_n.jpg

Sa mensahe ko rin ay pinasalamatan ko ang aking mga batchmates sa respesto at pagsunod nila sa akin, dahil ako ay naniniwala sa kasabihang "Respect begets Respect". Kaya naman ako ay magalang din sa pakikipagusap sa kanila. Sa unang araw ng training kami ay 45 na participants ngunit sa kadahilan na ang iba ay may mga trabaho at sarili din pamilya na dapat unahin ay nabawasan kami. Ang nakatapos ng training ay 41 na lang.

250311167_282796687082798_2121056504735698330_n.jpg

Kahit ganun pa man ang nanyari ay muli parin nmin inaanyayahan yung hindi nakatapos na sumali muli sa susunod na batch dahil ang training na makukuha dito ay hindi basta basta. Dito ay natutunan ko ang basic life support, water rescue, high angle rescue, knot tying, bandaging at marami pa. Bukod sa mga skills na natutunan ko, ang pinakamahalaga na knowledge na nakuha ko ay ang pag serserbisyo sa kapwa. Meron nga kasabihan na
"The hands that help are holier than the lips that pray".

Alam ko hindi dito sa graduation nagtatapos ang lahat ngunit ito pa lang ang simula. Sa mga darating na araw ay patuloy ako na kukuha ng bagong kaalaman upang mas equip palagi.

Maraming Salamat po sa pagbasa ng aking diary, nawa ay ma encourage din po kayo matuto ng mga basic life support. Malaki po ang maitutulong nito sa ating pamilya at community.

Inaanyayahan ko sila @jewel89, @jurich60 at ang aking asawa @me2selah.

Hanggang sa muli po. Magandang araw!

Ang inyong kaibigan,

@arjayyuson

20% payout of this post goes to @steemitphcurator.

Sort:  
 3 years ago 

Wow Congrats po Kuya @arjayyuson ang galing naman po kahit pandemic natapos po ninyo ang inyung training. Yan po ay isang mahalagang training talaga, lalo na't hindi naten alam kelan darating ang isang accident..with that proper knowledge is a big help lalo pag buhay ang pinag uusapan.
Gusto ko din po ng ganyan..sana magkaroon din dto.
Again, congrats po!!! 🥂

 3 years ago 

Maraming salamat po!

 3 years ago 

Congrats! Sa psgtatapos ng training ninyo. Pag may sakuna di ka na mangapa bagkos tutulong na dahil sa inyong training.

 3 years ago 

Maraming salamat po!

 3 years ago 

Greetings to you @arjayyuson,
We are glad that you are eligible for the #club5050 tag. We are also inviting you to visit @steemitfoods and share your daily food diary and delicious recipes. As of now, we have the support of steemcurator01 and 02, you might be the chosen one for our top post of the day! Just follow the instructions for more chances of upvotes! If you have some questions, join our telegram and we are here to assist. Telegram Link

Here is the latest update of our Food Diary Game Season 3 Link

Thank you, see you there!

 3 years ago 

Thank you Sir! i'll visit Steemitfoods soon!

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 61733.68
ETH 2481.63
USDT 1.00
SBD 2.63