The Diary Game Season 3 - Last Day of Training (Rappelling) and Power Up #club5050

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang Araw Steemit Philippines!

Kamusta kayo? Medyo makulimlim ang panahon dito ngayon sa amin. Pero ok lang walang problema. Dito lang muna sa bahay. Wala akong duty ngayon sa trabaho.

Gusto ko lang ibahagi sa inyo ang last day ng training namin noong Sabado, October 23, 2021. Tinuruan kami ng aming mga guro kung paano ang Basic Rappelling. Ang rappelling po ay ang pagbaba galing sa isang mataas na lugar, halimbawa isang gusali or building, gamit ang mga lubid.

245688646_239077981599228_5857373912907488336_n (1).jpg

Sa traning po namin ay nagpunta kami sa skwelahan na may apat na palapag.

248689243_414815190273087_6471808347657994751_n.jpg
Dito po kami nagRappelling.

Noong una ay kinakabahan ako. Kasi feeling ko baka babagsak ako sa lupa na hindi oras hehe pero napanatag ang kalooban ko noong nakausap ko ang aming trainer. It tinuruan kami ng mga tamang gawin habang pineperform namin ang mga task. Sympre nagdasal din ako na walang aksidente mangyari sa aming lahat. Baka kasi hindi na makauwi ng buhay. hehe Pero sa awa ng Diyos ok naman kami lahat.

246638749_900645930883032_6951725000178346917_n.jpg
Ito ang view galing sa taas.

247158505_921172878508945_8475876693982655218_n.jpg
Mga kagamitan para sa rappelling.

Ito ang actual video ng aking pagbaba.. First time ko pong ginawa ito. Ang saya ko at nagawa ko.

Ito naman ang pagbaba na may dalang pasyente.

Masaya ako at nagawa ko ang mga task na ito. Pwede itong gamitin in case may mga emergecies na nangangailangan ng ganito na skill. Bago pala kami nagActual rappel, tinuruan din kami ng mga iba't ibang paraan sa pagtali ng lubid. At iyong ang ginamit namin sa araw na ito.

Nabanggit ko sa aking previous post na nagtraining ako ng Basic Life Support. Ito na ang last day ng training namin ang Rappelling. Sa October 29 na ang aming graduation.

Nagpapasalamat ako ng lubos sa mga trainers namin.

PARA SA SUPPORT KO SA #CLUB5050..

Nagpower up na naman po ako sa aking account. Ito po intial wallet balance ko bago pagpower up. 117.832 Steem at 143.317 Steem Power

jayNewSteemBalance.png

Nagpower up po ako ng 67 Steem.

powerup67.png

Ito na po ngayon ang bagong Steem Power, 210.318 STEEM

image.png

Maraming salamat po sa pagbabasa hanggang dito.

Hanggang sa muli!!

Ang inyong kaibigan,
@arjayyuson

Sort:  
 3 years ago 

Congratulations sir. 👏👏

 3 years ago 

Thank you!

 3 years ago 

Youre welcome sir.

 3 years ago 

Mas maganda talon agad hehehe. Galing2

 3 years ago 

heheh Salamat po.

 3 years ago 

kahadlok ana hehe, congrats sa power up!

 3 years ago 

Salamat Sir! hadlok lagi ko pag una sir. pero ok ra man diay. :D

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.16
JST 0.033
BTC 64167.02
ETH 2769.14
USDT 1.00
SBD 2.67