The Diary Game Season 3 (December 25, 2021) || Maligayang Pasko Po Sa Ating Lahat!

in Steemit Philippines3 years ago

Maligayang pasko po sa ating lahat!

Naway nasa mabuti po tayong kalagayan nasaan man tayo sa mundo. Gusto ko pong ibahagi sa inyo kung paano namin pinagdiwang ang araw ng Pasko.

Kasalukuyan po ay nasa Laguna kami ng aking pamilya. Dumating po kami dito ng madaling araw ng December 16 bago maminsala ang bagyong Odette sa aming lugar doon sa Cebu. Nalulungkot ako sa nangyari sa aming lugar doon. Itong biyahe namin papunta dito sa Laguna ay matagal na namin plano. Matagal na kasi akong hindi nakapagdiwang ng Pasko kasama ang aking mga magulang at mga kapatid.

December 24 ng gabi...

Gabi bago mag Noche Buena, naghahanda na kami ng aming mga kakainin pagdating ng December 25 ng 12am. Nag-uusap kami magkakapatid kung ano pagkain ang aming iambag sa noche buena. Marami po kaming hinanda na pagkain. Pagdating ng mga 11:30pm may konting programa kami ginawa at nagbigay kami ng mga munting regalo para sa aking mga magulang at mga kapatid at ng kanilang mga pamilya. May mga palaro din konti. Masaya kami kaninang madaling araw. Sama-sama kami mag-anak sa unang pagkakataon mula noong magkapamilya ako.

265748596_623186795562088_5368127159557301182_n.jpg
Ito ang aking pamilya. May mga asawa at anak na rin ang aking mga kapatid. Kuha ito pagkatapos ng program namin.

266362328_242984987959085_1643474110276128051_n.jpg
Ang aking pamilya kasama ang aking Tatay at Nanay.

268426810_335014251957941_1535292918590149671_n.jpg
Ako, kasama ang aking mga kapatid at magulang.

265228174_5264801793533995_8141765281060012633_n.jpg

Masayang masaya po ako na nakapagspend po ako ng panahon kasama sila. Ang pinakamaganda po sa lahat na ito ay isang buwan po ang aking bakasyon. Bihira lang din po itong mangyari.

Maraming salamat po sa pagbabasa hanggang dito. Maligayang pasko po ulit sa inyong lahat. Sana po ay naipagdiwang ninyo ang araw na ito kasama ang inyong mahal sa buhay.

Inaanyayahan ko sila @jewel89, @reginecruz at @jurich60 na sumali sa diary game.

Ingat po kayo palagi!

Ang inyong kaibigan,

Arjay

Sort:  
 3 years ago 

This post has been chosen to be recommended for booming support today. Continue making quality posts here at Steemit Philippines Community. Remember to always follow the #club5050 rule for more chances of curators' upvote. Link

Show your support by delegating your steempower to our community.

20211105_215049_0000.png

Delegate 50 SP | Delegate 100 SP | Delegate 150 SP | Delegate 200 SP | Delegate 250 SP | Delegate 300 SP | Delegate 350 SP | Delegate 400 SP | Delegate 500 SP | Delegate 750 SP | Delegate 1000 SP

 3 years ago 

maraming salamat po sir!

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 66682.62
ETH 3447.75
USDT 1.00
SBD 2.73