Steemit Philippines Photography Contest Week #5 - Filipino Food Photography : Kamote Fries
Sadyang marami po talagang pwedeng gawin sa kamote. Noong nakaraan ay naibahagi ko po sa inyo kung paano gumawa ng kamote cheese balls. Ngayon naman po ay kamote Fries. Tayong mga Filipino ay mahilig sa mga "root crops". Kagaya nga nitong kamote. Pagsinipag kami ni misis, nagluluto lang kami ng pangmeryenda ng mga bata. Ngayong hapon, bumili ako ng isang kilong kamote sa palengke at niluto ko ito. Mabilis lang naman po itong gawin.
Ito po ang mga ingredients na kailangan: kamote, asukal, at mantika.
Napakadali ng mga hakbang sa pagluluto ng kamote fries:
1.Balatan ang kamote at hiwain itong parang french fries.
2.Magpainit ng mantika sa kawali at iprito ang mga nahiwa na kamote hanggang sa itoy maluto. Hanguin ito.
3.Sa mainit na mantika, idagdag ang asukal hanggang sa ito matunaw.
4.Idagdag ang luto na kamote at haluin hanggang sa maging "sugar-coated" ang mga ito.
5.Hanguin at palamigin. Pwede na itong kainin.
Ayan luto na ang ating kamote fries. Tuwang-tuwa ang aming mga anak. Hindi po inabutan ng isang oras at ubos agad. Sadyang malakas kumaing ang mga bata na ito. LOL Ang pagkain na ito ay nagpapaalala sa akin sa aking "elementary years". Lagi ako nabili nito noon. Itong pagkain na ito ay makikita natin na binebenta sa labas ng mga paaralan. At yung nanay ko rin ay nagluluto din nito noong kami ng aking mga kapatid ay mga bata pa.
Napakasimple lang po ng pagkain na ito at napakadaling gawin sa ating mga kanya kanyang mga tahanan. Basta meron lang tayong available na kamote. Wala pong maraming kaartehan, hiwa, prito at ayun luto na at handa na ang meryenda.
Meron pa po ba kayong ibang recipe na alam na gawa sa kamote? pakisulat na rin po sa comment section sa baba.
Ang post na ito ay entry ko po para sa paligsahan ng Steemit Philippines Filipino Food Photography. At inaanyayahan ko sina @jewel89, @olivia08, at @aideleijoie.
Hanggang dito na lang po. Ingat po tayong lahat!
Ang inyong kaibigan,
Ka yummy! Oo nga gustong gusto yan ng mga bata, sa labas ng school meron at merong nagtitinda nyan.
###Lami jud ni pang snacks...
Perfect talagang pangmeryenda eto or kahit dessert lalo kung may gatherings or kahit sa family lang din. Mura na masarap pa at napakadaling gawin din.
Ginagawa ko din eto lalo kapag in season ang kamote dito sa lugar namin. Masarap nga etong ganitong parang fries ang cut dahil hindi nakakaumay na kainin dahil maliliit lang kumbaga bite size.
Natatakam tuloy ako sa luto mo brother.