Steemit Philippines Photography Contest Week #4 - Black and White Photography : Motorsiklo

in Steemit Philippines3 years ago

Sino makakarelate? Pag-wala ako ibang ginagawa, andun ako sa aking motorsiklo. Binubusisi at tinintingnan if ano pwede kong ayusin. :D

Sandyang mahilig lang po talaga ako sa motorsiklo. Inaaral ko kung paano ito ayusin kung meron sira.

Polish_20210915_122040148.jpg

Nabanggit ko doon sa nakaraan ko na post na marami na akong naging motorsiklo.

ANG STORYA SA LIKOD NG MOTORSIKLO NA ITO

Bilang isang padre de pamilya, ang lagi nasa isip ko ang kapakanan ng aking mga anak at asawa. Lagi ko naiisip if ano ipapakain sa kanila, ang mga bayarin, ang maging kinabukasan ng aming mga anak.

Bago ko po nabili ang motor na ito, meron akong mamahalin na motorsiklo. I mean, yung mas latest dito, ito po yung Skydrive Sports FI. Hindi hamak na mas mahal at mas latest dito sa Mio sporty ko ngayon. Pero naisip ko, aanhin ko ang latest na motor kung wala naman kaming sapat na ipon in case kailangan namin ng pera.

Kaya noong Agosto binenta ko yun at nabenta ko rin naman ng mahal. Ang plano ko ay bibili na lang muna ng mas mura para maitabi ko yung natirang pera in case kailanganin namin. Mahirap kasi ang panahon natin ngayon. Lalo na marami nawalan ng trabaho. Sa akin naman, meron naman po akong trabaho pa rin kahit may pandemya. Ang iniisip ko lang ang preparasyon kung may mga emergency na darating.

Bago ko po nabili ito, nanalangin ako sa Panginoon na makahanap ako ng hindi ganun ka mahal na motorsiklo pero medyo latest naman na modelo. At nasagot naman po ng Diyos ang aking dasal. Ang asking price po ng motor na ito ay Thirty five thousand pesos. Maniwala kayo o sa hindi, natawaran ko ito hanggang Twenty Five Thousand Pesos! Sampong libo ang deperensya. Mio Sporty 2018. Mabait ang Diyos. Nakikinig sa mga panalangin natin. Lalong lalo na sa mga hiling na nakabubuti sa ating pamilya at kapwa.

Mahal ko ang aking pamilya kaya lagi ko dalangin na sila ay ligtas at hindi nagugutom.

Ang kumuha pala ng larawan na ito ay ang aking mahal na asawa. May tiningnan lang ako sa gulong sa oras na ito.

Maraming salamat po sa pagbabasa ng kwento ng aking buhay. Gusto ko rin po pala anyayahan sila Nay @olivia08, Ate @jurich60, at @me2selah na sumali din dito sa contest na ito.

Hanggang dito nalang po.

Ang Inyong Kaibigan,

@arjayyuson

#contest
#photography

Sort:  
 3 years ago 

Ulirang ama laging nag iisip sa kapakanan ng pamilya. Ang galing mo naman pag dating sa motor.

 3 years ago 

Maraming salamat po Ate.

 3 years ago 
CriteriaScore 0-10
Relevance to the Theme.8.5
Creativity.8.5
Technique.8.5
Overall impact.8.5
Story.8.5
Total.8.5

Maka relate talaga ako sa story mo. Ang responsabling ama ay uunahin talaga ang kapakanan ng pamilya.

 3 years ago 

Maraming salamat sir!

 3 years ago 
Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Black and White Photography
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
1 Photo per Entry
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingGood
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme9
2. Creativity9
3. Technique8.8
4. Overall impact9
5. Quality of story9.2
Total Ratings/Score9
 3 years ago 

Thank you po sir!

 3 years ago 

Hello po,

Maraming salamat sa pagsalit sa ating Photography Contest Week 4.

Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.

Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at Social Media Accounts.

New Contest Alert:

God Bless po!!!

 3 years ago 

Thank you po!

 3 years ago 

Indeed really wise.
Total rating: 9.1

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 59238.58
ETH 3176.28
USDT 1.00
SBD 2.45