My Entry to Show Me Your Talent Contest by @olivia08
Magandang Araw po sa inyong Lahat!
Kamusta po kayo? Ito po ang aking entry para sa patimpalak ni @olivia08 patungkol sa pagbahagi ng ating mga talento. Para po sa akin, matatawag ko po ang pagkukumpuni ng mga bagay-bagay lalong lalo na sa pagaayos ng sasakyan ay ang aking talento. Hindi na man po ako super magaling, pero nagiging matagumpay naman po ako sa pag-aayos ko nito. Marami na rin po akong mga kaibigan na natulungan sa kanilang mga sasakyan pati rin po sa motorsiklyo. Mahilig po kasi akong magbutingting. Kahit po sa mga dapat ayusin sa aming bahay.
Sabi nga po ng aking mga kaibigan ay magtayo daw po ako ng repairshop LOL. Sa ngayon po hindi ko prayoridad iyan. Ok na sa akin ang maayos ko mga sira ng aking sasakyan at motor.
Isa din po sa aking talento ang pagluluto. Lalong lalo na mga ulam. Partner ko po ang aking asawa na si @me2selah sa pagluluto. Siya sa mga desserts, ako naman po sa mga ulam. Sa katunayan po ay sumasama na rin po ako sa kanya sa kanyang Youtube Channel. Ito po ang isa sa mga niluto ko.
Hindi lang po ako nagluluto dahil sa video. Ginagawa ko po ito pagluluto para sa aking pamliya. Sila po ang inspirasyon ko sa lahat ng aking mga ginagawa.
Maraming salamat po sa pagkakataon na ito na makapagbahagi.
Maraming salamat sa Steemit Philippines Community lalong lalo na kay @steemitphcurator At syempre kay @olivia08 sa patimpalak na ito.
Hanggang dito na lang po.
Ang iyong kaibigan,
Sarap ng danggit.. 😊😊
yes bro masarap talaga danggit.
Miss ko ang danggit, maramingbsa pagsali at akonay masaya na makita kayong mag asaw na nag support sa contest ko. Inggat kayo lagi.
Walang anuman po Nay... pag uwi nio po Pinas bili kayo danggit. hehe
Na para sa akin talento yan pag ayos ng sasakyan kasi mahalaga ang buhay ng nakasakay sa sasakyan.
oo nga po. need alam mag kumpuni para save sa pera din.