Ang Aming Mga Anak at Ang Pusa ng Kapitbahay

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang Araw po sa Inyong lahat!

Kamusta po kayo?

Gusto ko pong ibahagi sa inyo ngayon ang nakahiligan ng aming mga anak. Nakahiligan nila na pakainin ang mga pusa ng aming kapitbahay. Wala po kaming mga alagang hayop sa kadahilanan na maliban sa wala po kami lugar para sa kanila, eh meron po akong allergy sa mga balahibo. Gustong-gusto nila magkaroon ng alaga pero pinapaintindi namin na hindi pwede at naintindihan naman nila.

pusa2.jpg
Pinangalan nila na Yeyma ang pusa na ito. Isa lang ito sa mga maraming pusa

Ngayon, kontento na sila na nagpapakain sa mga pusa. At ito pang malupit, bawat pusa ay binigyan ng pangalan.(hahaha) Hindi lang isa kundi mahigit liman pusa. Pero sa sa post na ito isa lang yun nakunan ng larawan.

pusa1.jpg
Nakuha pati paa ko. hehe

Lagi nila inisip ang pusa habang nasa hapagkainan pagkakain ng agahan, tanghalian at hapunan. Inisip na magtira para sa pusa. :D

Natutuwa naman kami ng aking asawa na sa murang edad nila ay marunong na sila mag-isip ng kapakanan ng hayop. Sa panahon naman ng pagpapakain ay sinasamahan ko sila baka kasi makagat. Iwas lang sa rabies. :D

pusa.jpg

Hanggang dito na lang po.

Maraming salamat sa #SteemitPhilippines Community at kay @steemitphcurator sa pagbuo ng ng kumunidad ng kapwa Pilipino dito sa Steemit.

Hanggang sa muli.

Ang iyong kaibigan,

@arjayyuson

Sort:  
 3 years ago 

Hmm kababait na mga bata liwat sa mga parents. Mga good example kayo.

 3 years ago 

Maraming Salamat po Ate..

 3 years ago 

Ang cute ng mga pusa.. 🤗

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 61651.16
ETH 2369.36
USDT 1.00
SBD 2.50