The Diary Game Sept.13 , 2021 : Ang Pagbabalik Trabaho ko sa Online Mula ng Gumaling ako sa Pagkakasakit

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang Araw mga Ka Steemit lalong lalo na sa kasamahan ko sa Steemit Philippines.

Ngayong araw ay ibabahagi ko ang mga kaganapan ko ngayong araw na ito.Araw araw ay mayroon akong routine na sinusunod upang sa ganun ay ma organized ko ang aking oras mula sa paglilinis ng bahay , pagluluto , pag aasikaso ng mga bata at pagtatrabaho online.

Pagkagising namin sa umaga ay naglilinis na kaagad ako ng bahay dahil gusto ko laging malinis at maaliwalas ang bahay para mas mka focus akong trabahuin ang iba ko pang mga gawain.

Ngayon lamang ako nakapag balik trabaho online gaya ng pag livestream at pag blog dahil nagkasakit ako. Sana ay di na ako muling magkasakit pa para tuloy tuloy na ang aking pag blog dito sa steemit.

Sa hapon kadalasan ang umpisa ng aking trabaho online.Ngayong araw ang umpisa ng balik trabaho ko sa online livestreamer.Mabuti na lamang ay hindi mahigpit ang pagtanggap ng livestreamer ngayon hindi katulad dati na kelangan class A ang ganda para matanggap bilang llivestreamer sa live app.

received_383540613327295.jpeg

received_125090773116935.jpeg

Ang ginagawa ko sa live app ay mag welcome lamang ng viewers at kumakanta.Kadalasan ang oras ng livestream ko ay mula alas 4 ng hapon hanggang alas 6 ng gabi.

Pag gabi na ay naghahanda na ako ng ulam pang hapunan.Ang ulam namin ngayong gabi ay kilawing isda.Paborito namin ang kilawin isda.Ang mga bata ay pinapa ulam ko ng pritong isda.

Sa ibaba ay may mga larawan ng kilawing isda kung paano ang paghahanda nito.

received_523095608786052.jpeg

received_447698699797918.jpeg

received_1074060303344005.jpeg

received_2106855342786609.jpeg

received_1014313876024347.jpeg

received_581009909602066.jpeg

received_153106306994538.jpeg

Una ay linisin ang isda, hiwain ang mga rekados , ihalo ang mga rekados at suka at timplahan bandang huli ay ihalo ang isda at timplahan ng asin at bitsen.

Ito na ang ulam namin ngayong gabi tara kain na tayo mga ka Steemit.

IMG_20210912_093207_1.jpg

IMG_20210912_093151_1.jpg

Maraming salamat mga Ka Steemit sa pagbabasa ng aking post nagyong araw na ito.Hanggang sa muli kong pag susulat ng aking Diary game.

Sort:  
 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.

Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

New Contest Alert:

God Bless po!!!

 3 years ago 

Pagkalami sa kinilaw. Sakamat pagshare sa imung lami nga kinilaw ate. Godbless you. 😊

 3 years ago 

Welcome back po 😊 sarap nung kinilaw!

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 68606.74
ETH 3912.43
USDT 1.00
SBD 3.64