Diary Game Season 3|Week 19| September 29, 2021| Ang Una Kong Post Sa Diary Game

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Magandang umaga po sa lahat, ito po ang pinakaunang post ko sa gabing ito.Una sa lahat nais kung pasalamatan ang mga taong mainit na nag tanggap sa akin dito lalong-lalo na ni @jb123 na syang nag invite sa akin dito @steemitphilippines.
Masaya rin ako dahil maging bahagi na ako dito sa @steemit.

Ngayong gabi ay nais kong ibahagi sa inyo ang mga ginagawa ko dito sa bahay. Isa rin itong daan upang mapagaan ang mga trabaho dito sa bahay dahil sa pagtutulungan at ang pagbabahagi ng mga nakakalungkot at nakasasayang bagay o pangyayari.

IMG20210919171907_00.jpg

Noong nakaraang araw ay inutusan akong magpakulo at magluto ng saging para pamgmeryenda. Sakto naman at marami kaming saging na hinog kaya sagana kami sa meryenda.

Ang saging na sab-a kong tawagin ay kailangan pang lutuin bago kainin, pwede rin naman kainin kahit hindi paluto. Pero mas mainam mag lulotuin talaga ito.

IMG20210929101044_00.jpg

Kanina ay nagluto kami ng hipon na may itlog para sa agahan namin. Paborito ko kasi ang maliit na hipon na may halong itlog. Pagkatapos ay nagluto naman ako ng piniritong okra paborito ko rin ito.

Medyo natagalan akonsa pagluluto ng hipon at napakainit sa mukha dahil panggatong ang ginagamit namin sa pagluluto.

IMG20210929095546_00.jpg

Nais ko ring ibahagi sa inyo ko ano ang nararamdamn ko noong nakita ko ang charger na subrang pinagkakagat ng aso namin.

Nagulat nalang ako nang nakita ko ang charger na ganito ang hitsura. Galit na galit ako sa aking aso at sa katunayan, may inihanda kong pamalo para sa kanila kaisa-isang charger ko pa naman ito kaya naglungkot talaga ako sa pangyayari.

IMG20210929191716.jpg

Kagabi ay naisipan kong kumain ng mangga, mahilig kasi ako sa mga mangga lalo na kong ito ay matamis masarap din itong gawing ulam, bigay ito ng aming mabuting kapitbahay marami kasi silang mangga.

IMG20210929191635.jpg

Kapag hinog na ang mangga ay hindi ko na ito binabalatan, hihiwain ko nalang ito ng tatlong parte. Syempre huhugasan muna. Ayon kasi sa aklat na nabasa ko, ang mangga daw ay nakakapagbigay ng vitamins c sa ating katawan dahil sa maasim at citrus juice nito.

IMG20210926080536_00.jpg

Gusto ko din ibahagi itong napacute kong aso na si chuchay. Napakalikot ng asong ito, kahit saan nagpupunta at muntik pang nawala. Ang asong ito ay may mahahaba at makapal na balahibo, itim na at pandak. Ito ang isa sa mga alaga kong aso dito sa amin.

Pinapaliguan at pinapakain ko ito ng maayos. Malambing din siya sa kanyang mga amo, lalong-lalo na sa akin.

IMG20210926201554_00.jpg

Ito naman ang alaga kong pusa na ubod din ng cute. Ang pangalan nito ay Milk dahil mahilig ito sa gatas. Nakita ko itong pusa na ito sa daan at inabandona ng may-ari kaya kinupkop ko ito at inaalagaan ng husto. Nagbunga naman ng magandang resulta ang pag-aalaga ko sa kanila dahil lumaki sila ng maaayos at malusog.

Bago ko taposin ang diary ko sa araw na ito ay nais kong imbitahin sina @jb123, ate @me2selah at ate @olivia08 sa diary game na ito.

Maraming salamat sa pagbasa at magandang umaga sa ating lahat.

Nagmamahal,
@aehryanglee

Sort:  
 3 years ago 

Welcome to steemit and thank you for sharing your diarygame with us. We will definitely look forward for more of your posts. Sana maging kasing sipag mo si Wyndell @jb123

 3 years ago 

Thank u po😊

 3 years ago 

Magandang umaga @aehryanglee 😊

Mabuhay at Magandang araw!!! Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong diary post sa araw na ito. Ang iyong entry po ay kwalipikado para contest sa linggong ito, week 19.

Maaring bisitahin ang ating Community Account para sa karagdagang impormasyon at para sa mga rules at regulations sa ating contest.

Updated Rules and Regulations

Patuloy lang sa iyong magandang simulain at enjoy dito sa steemitphilippines sa pagpost. Pet lover ka pala, maganda yan kasi sabi ng nakakatanda ang taong mapagmahal sa hayop ay mapagmahal din sa tao. Sa charger mo naman, sayang ang charger mo. Makakabili ka rin ng bago.😊

 3 years ago 

Salamat po😊

 3 years ago 

Congrats sa 1st diary game post mo. Ipagkaloob regular na namin ma basa ang post mo.

 3 years ago 

Tuloy lang araw-arawin mo yan, patuto ka kay palalabs mo

 3 years ago 

Opo,hehehe salamat po sa pag bisita ate😊

 3 years ago 

Hello Pretty @aehryanglee nabusog ako s post mo. Naglaway ako s pinakuluang saging na saba 😋😋😋
..ang naughty ng aso mo at sinira ung charger mo hehehe.
Happy to read your very first post dto sa Steemit Philippines ☺️

 3 years ago (edited)

Salamat po sa pagbisita ate, opo ...sarap nga hampasin aso na yan...sinira nya charger ko😊

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.029
BTC 58068.07
ETH 3133.85
USDT 1.00
SBD 2.44