Diary Game Season 3|| Nov.22,2021||Ang Aking Pagpunta Sa Lugait at Partisipasyon sa @club5050

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

IMG20211116111307_00.jpg

Magandang gabi sa ating lahat mga kaibigan at myembro dito sa ating komunidad, ang @steemitphilippines. Nais kong ibahagi sa inyo ang pagpunta ko sa Lugait noong nakaraang araw. Pumunta kasi ako doon para magpalista para sa pagbabakuna kaya para hindi mahuli at maiwas sa maraming tao ay minabuti kong pumunta ng maaga.

Pagdating ko doon ay medyo kaunti pa ang mga tao ang iba sa kanila ay umupo sa mga bench at ang iba naman ay nagkalaro para hindi mabagot sa kahihintay.

IMG20211115172720_00.jpg

Dahil matindi ang sikat ng araw ay minabuti kong pumunta sa tindahan ng halo-halo para bumili nito. Panlaban kasi ito sa init ng panahon at nakapagbibigay ito ng presko sa katawan dahil sa lamig nito.

Ito ang binili kong halo-halo, mahilig kasi akong kumain ng ganito pero minsan lang ako bumili ng ganito. Medyo may kamahalan kasi ang halo-halo dito sa aming lugar. Ang halo-halo na binili ko ay naglalaman ng hinog na saging, chips, gatas, yelo, white sugar,ube ice cream at marami pang iba.

IMG20211119171831_00.jpg

Bumili din ako ng burger dahil isa din ito sa mga paborito kong kainin. Bumili ako ng dalawa at ito ang kinakain ko para hindi gutumin sa kahihintay. Sakto kasi at may naipon akong sapat na pera para sa pambili ng snacks at pamasahi sa pag-uwi.

Ang burger ay popular na dito sa amin. Ang mga bata ay mahilig ding kumain ng burger dahil sa palaman at masasarap na iniligay dito.

Kahit nakakapagod ay masaya naman ako sa mga pangyayari dahil nakagala na naman ako sa ibang lugar kasama ang pagtikim ng kanilang masasarap na pagkain.

Ang Una Kong Partisipasyon Sa @club5050

Bilang kabahagi ng komunidad na ito, nais kong ipakita sa inyo ang una kong Partisipasyon sa @club5050.

Screenshot_2021-11-18-17-17-43-00.jpg

Ito ang nakaraang steem power ko, at gusto ko itong dagdagan sa pamamagitan ng pagpower up mula sa SBD na aking naipon.

Ang SBD na naipon ko ay umabot sa 2sbd at ito ang gagawin kong pang steem power up dito sa steemit platform.

Screenshot_2021-11-18-17-18-12-75.jpg

Una ibinenta at binili ko ng steem ang aking sbd. Kaya nakakuha ako ng 23 steem na siyang gagamitin para sa pagpowerup upang may maiipon para sa kinabukasan.

Screenshot_2021-11-18-17-25-58-92.jpg

Pinindot ko ang buy steem at tiningnan ko ang balanse ng aking steem Kong ito ba ay umabot sa steem wallet ko. Umabot naman ito at ito ay naging 24 steem at handa na ito para sa power up.

Screenshot_2021-11-18-17-26-28-94.jpg

Pumunta ako sa powerup botton at inilagay ko ang steem ko para sa pagsasagawa ng power up. Pagkatapos, pinindut ko ang *power up.

Screenshot_2021-11-18-17-27-01-77.jpg

Ito na ang bago kong steem power. Masaya ako dahil nakapagpower up na ako. Isa ron itong paraan para makatulong sa iba lalo na sa kanikang post. Isa rin itong paraan ng pag-eengganyo sa iba na magpapatuloy pa sa pagpapakita ng kanilang talento dito sa @steemitphilippines.

Maraming salamat sa pagbasa.

Sort:  
 3 years ago 

Ikinasisiya namin nag partisipasyon mo sa @club5050 program. Power up more.

Maraming salamat din sa pagbahagi ng iying diary post dito sa @steemitphilippines. 😊

Congratulations.

 3 years ago 

Maraming salamat po😊

 3 years ago 

Walang anuman. Enjoy posting here in @steemitphilippines. 😊

 3 years ago 

Congrats sa pag power up. Fave ko din ang halo-halo noon. Kunng saan may tindahan ng halo halo pinupuntahan ko at compare ko ang sarap at pino ng ice shavigs nila.

 3 years ago 

Hehehe oo nga po ganyan rin po ako mai compare ko po yun kung saan ang mas masarap ..don na ako pabalik-balik at maraming salaamt po sa pag bisita 😊

 3 years ago 

Power up pa more!

 3 years ago 

Maraming salamat po😊

 3 years ago 

Ang sarap ng mix-mix mo dear, kakamiss kumain nyan. Tama yan niregaluhan mo muna sarili mo ng sweet treat bago mainjection.
Para hindi na ramdam pagkatapos kasi happy tummy na..... hehe.
Happy for your power-up dear.

 3 years ago 

Oo nga po,para pag na injection na lalamig na d na uminit hehehee😊maraming salamat po sa pag bisita😊

 3 years ago 

your welcome dear

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 57112.10
ETH 2405.80
USDT 1.00
SBD 2.28