Diary Game Season 3| October 18, 2021| Ang Aming Lugar Sa Talabaan

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang gabi sa ating lahat lalo na sa kapwa ko mga membro dito sa @steemitphilippines. Sana ay nasa maayos na kalagayan kayong lahat.

Ang ibabahagi ko sa inyo ngayon ay tungkol sa pagbisita namin sa aming lugar doon sa Talabaan. Isa ito sa aking mga masasayang pangyayari sa aking buhay.

IMG20211017124156_00.jpg

Ito ang aming ginagawa kapag pumupunta kami sa bukid. Inaalis ang mga damo para pagtaniman ng mga prutas at halaman. Sa larawan na kuha ko ay makikita ang aking ina na abalang-abala sa pag-aalis ng mga damo sa lugar. Isa rin itong paraan para kami mabuhay sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halaman para may mapagkukunan ng hanapbuhay o pagkain.

Ang Aming Simpleng Baon

IMG20211017085651_00.jpg

Ito yung Simpleng baon namin sa bukid kahapon. Mas maganda kasing gawing baon ang nilagang saging dahil pwede lang itong kainin habang naglalakad sa daan at para hindi kami magutom at may madudukot na pagkain habang kami ay naglalakbay.

Masarap itong kainin lalo na kapag hinog dahil matamis, masarap ding kainin ang hindi hinog lalo na kapag may bagoong na kapares. Mas maiging umaga kami pupunta sa bukid kasi kapag hapon na kami pupunta ay baka uulan at maabutan ng malakas na pag-ulan.

Ang Aming Paglalakad

IMG20211011122554_00.jpg

Nang dumating na kami sa lugar na pagtataniman namin ay bumungad sa akin ang napakagandang lugar, may mga ibat-ibang halaman ang aking nakikita kabilang na dito ang mga ibat-ibang uri ng fern. Madalas lang otong makikita sa syudad dahil sa bukid lang tumutubo.

Ang Maiden Fern

IMG20211017144805_00.jpg

Ito ang tinatawag naming Maiden Fern isang uri ng fern na ang mga dahon nito ay mukhang dahon ng malunggay. Ito ang una kong nakita sa aking paglalakad, napakaganda ng dahon niya at nakakabighani ito.

Baston Flower

IMG20211017132601_00.jpg

Ayon sa matagal nang nakatira dito sa lugar, ang tawag dito ay baston flower. Ang likido nitonay napakabango at pwede gawing shampoo. Tumutubo ito sa ilalim ng mga patay na dahon, mga damo at malalamig na lugar. Ang kulay niya ay pula at napakatibay ng kanyang petals at puno nito.

Sinubukan kong gawing shampoo ito at napakabango talaga sa buhok at napakapresko sa ulo. Minsan lang ito makikita kasi nakatago ito at minsan lang namumulaklak.

Baby Rubber Plant

IMG20211017133355_00.jpg

Ito naman ang Baby Rubber plant na nakita ko kahapon. Tumubo ito sa isang sanga ng kahoy at napamangha ako sa aking nakita. Nakakaattract Ito sa paningin ng tao dahil ang dahon nito ay parang plastic at napakakintab ang kulay nito. Maganda din itong gawing dekorasyon sa loob ng bahay. Hindi ko kinuha ang malaking halaman, ang kinuha ko ay ang maliit na rubber plant para may pandagdag sa koleksyon ng mga halaman ko.

Pangunguha Namin Ng Kangkong

IMG20211016131600_00.jpg

Maliban sa pagtatanim ay nangunguha din kami ng kangkong para may pagkain ang alaga kong ginuea pig sa bahay. Paborito kasi ng aking alaga ang kangkong kaya nang nakakita kami ng kangkong sa tabi ng daan ay madali kaming kumuha at nagdala sa bahay.

Isang masayang araw ang dumating sa aking buhay dahil nakapunta ulit ako sa bukid na puno ng mga magagandang tanawin at nagagandahang mga halaman.

Maraming salamat sa pagbasa at magandang gabi sa ating lahat.

Mabuhay Steemit Philippines..!!

Nagmamahal,
@aehryanglee

Sort:  
 3 years ago 

Ang sipag sipag mo mana ka ni @jb123.
Bagay kayo dalawa. Keep it up!

 3 years ago 

Salamat ate. :-) God bless you po.

 3 years ago 

Hello @aehryanglee 😊

Maraming salamat sa pagbahagi ng iyong diary post, talagang napakaganda ng lugar na pinuntahan mo. Mayaman sa kalikasan at talagang nakakapagbigay ng payapang pag-iisip.

Keep posting , good job. 👏

 3 years ago 

Salamat sa pag incourage.😊

 3 years ago 

Masarap talaga umakyat sa bukid at magaganda ang tanawin sa paligid. Presko pa ang hangin at marami pang uri ng halaman na dmo makikita sa syudad o sa munisipalidad. Namiss ko tuloy ang kabukiran sa ComVal, Davao de Oro sa Mindanao.

 3 years ago 

Tama po kayo ate. Salamat sa pagpunta sa aking post. 😊

 3 years ago 

Na miss ko na buhay probinsya…

 3 years ago 

Salamat sa pagpunta dito sa aking post sir. 😊

 3 years ago 

The rubber plant is really amazing nga. Sarap kunin at gawin tanim sa bahay. hehehe

 3 years ago 

Opo.. salamat sa pagbisita sa aking post ma'am 😊

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.16
JST 0.028
BTC 68614.03
ETH 2441.44
USDT 1.00
SBD 2.36