Diary Game Season 3 | October 13, 2021|Week 20| Ang Pagpunta Ko Sa Aming Lupang Sakahan

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang umaga sa lahat, kumusta na kayo? Sana ay nasa maayos kayong lahat sa araw na ito. Ang ibabahagi ko sa inyo ngayon ay tungkol sa pagpunta ko sa aming Lupang sakahan doon sa Dunque, Manticao, Misamis Oriental. Malayo kasi ang lupa na pagmamay-ari ng mga magulang ko, at kailangan pang sasakay ng motorsiklo at babyahe ng ilang oras bago makarating sa lugar.

IMG20211011132739_00.jpg

Pagdating namin sa bukid ay agad sinimulan ang pagtatanim ng mga prutas gaya ng mangga, kakao at marami pang iba. Maaga kaming pumunta sa bukid para hindi masayang ang mga oras at para maaga rin kaming makabalik sa bayan. Habang nagtatanim kami ay biglang pumatak ang ulan dahilan na kami ay nababahala dahil malapit lang kami sa sapa at ang lupa ay malambot kaya nagmadali kami.

Pero di nagtagal ay tumigil na ang pag-ulan, may maraming mga damo at talahib sa natirang lugar kaya pahirapan kaming nakapunta doon.

IMG20211011121830_00.jpg

Ito ang itinanim naming makupa, at kakao na binuhat ng aking kapatid upang dalhin sa lupang pagtataniman nito, sinubukan dalhin pero napakabigat pala. Ang lupang pag-aari ng magulang ko ay wala pang masyadong mga tanim. Tanging mga damo lamang ang nandito kaya naisipan naming magtanim dito para mapakinabangan ang lupa at may maani sa darating na panahon.

IMG20211011122440_00.jpg

Malayo ang pinagdalhan namin ng mga tanim pero kahit malayo ay nag-enjoy naman ako dahil marami akong nakikitang magagandang tanawin. Pero kailangan talagang mag-ingat sa paglalakad dahil maputik at isang maling pagkilos ay mahuhulog sa bangin.

IMG20211011124528_00.jpg

IMG20211011130201_00.jpg

Pagdating namin doon sa lugar na pupuntahan namin ay nakita ko ang ibat-ibang mga halaman gaya orchids at iba pang halamang ligaw. Napakaganda nito at tumutubo ang mga ito sa mga malalaking bato at mababasang mga lupa dahil ang gusto ng halamang ito ay yung lugar na nababasa.

Maraming makikita na mga halaman sa bukid at ilan sa mga ito ay ang mga halamang namumulaklak gaya ng orchids. Ilan sa mga nakita ko ay itong halaman napakaganda at bunga nito ay parang plastik at parang maliliit na mga niyog pati na ang mga dahon nito.

IMG20211011134822_00.jpg
Isa sa mga nakakamanghang halaman na nakita ko ay iting tinatawag kong mosh plant na tumutubo lang ito sa malalamig na lugar gaya ng sa bukid. Maliliit ang mga dahon nito at napkalabong ng mga dahon. Nasa mga bato ito makikita o sa gilid ng ilog o pangpang.

Ang mga dahon nito ay parang buntot ng lubo dahil makakapal ito yung iba tinatawag itong foxtail.

IMG20211010163153_00.jpg
Nais ko lang idagdag itong paboritong kong tuta na si steemit, ito ang una niyang pagkaligo sa dagat noong Unang araw. Masaya ako dahil bibong-bibo ang tuta ko, palaging tumatakbo kahit saan at nang naligo kami sa dagat ay sumunod ito sa akin kaya laking gulat ko nalang.

Ibang-iba kasi siya sa ibang mga aso na takot sa tubig kaya lubos akong napamangha. Lumalangoy ito at hindi ko namang hinayaang makapunta sa malalim na parte ng dagat.

Napakasaya ng araw ko dahil nakatulong ako sa aking mga magulang at nakabisita uli ako sa aming Lupang sakahan.

Nais kong imbitahin sina ate #olivia08, ate @jurich60 at @jb123 sa diary ng @steemitphilippines.

Maraming salamat sa pagbasa at magandang umaga sa lahat.

Nagmamahal,
@aehryanglee

Mabuhay Steemit Philippines

Sort:  
 3 years ago 

Tuloy lang sa araw2 na ginagawa

 3 years ago 

Opo ,salamat po...😊

 3 years ago 

Dunque? layoa kaayo oi...

 3 years ago 

Mao lagi kuya, naa man gud didto among yuta.

 3 years ago 

Hello @aehryanglee 😊

Mabuhay at Magandang araw!!! Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong diary post sa araw na ito. Ang iyong entry po ay kwalipikado para contest sa linggong ito, week 20 ng Diary Game Contest.

Maaring bisitahin ang ating Community Account para sa karagdagang impormasyon at para sa mga rules at regulations sa ating contest.

Updated Rules and Regulations

Ang ganda naman ng lugar na pinuntahan mo. 😊

 3 years ago 

Thank u😊

 3 years ago 

Youre welcome. Keep posting always. 😊

 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Dairy Game post.

Para po sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

New Contest Alert: Diary Game Week 20

Greeting from Admin
@loloy2020

God Bless po!!!

 3 years ago 

Walang anumn po.

 3 years ago 

ka cute sa doggy...heheheheh

 3 years ago 

Salamat kuya.

 3 years ago 

ganda ng foxtail...

 3 years ago 

Maraming salamat po😊

 3 years ago 

sobrang cute naman po ng tuta nyo. Ganda din nung foxtail na halaman. Gusto ko sana bilhin yung ganyan ng kaibigan ko kaso di natuloy tuloy ahha

 3 years ago 

Hehehe..salamat po😊

 3 years ago 

pagmay tinanim, may aanihin. years from now malaki na mga tanim inyo at may pwede ng anihin.

 3 years ago 

Tama ka po ate,salamat sa pag bisita😊

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.028
BTC 74526.95
ETH 2591.86
USDT 1.00
SBD 2.44