Burnsteem25||Diary Game Season 3|| January 9, 2023|| "Travel Escapade"

in Steemit Philippineslast year

IMG20230109103225_00.jpg

Isang mapagpalang hapon sa ating lahat mga kaibigan. Medyo matagal na panahon bago ako nakabalik dito sa ating komunidad para ibahagi sa inyo ang mga magagandang lugar sito sa amin. Nais kong ibabahagi sa inyo ang aking nakunang letrato habang ako ay naglalakbay dito sa Barangay Paniangan sa Lungsod ng Manticao sa Misamis Oriental. Dito sa aming lugar makikita ang mga ibat-ibang magagandang lugar, kahoy, mga halaman at iba pa. Ang unang larawan na ibabahagi ko sa inyo ay itong napakalinis na ilog ng Manticao. Noong nakaraang araw dahil sa masamang panahon na humagupit dito ay nagkaroon ng malaking pagbaha at medyo marami ang dalang pinsala na dala ng masamang panahon at ng pagbaha.

IMG20230109103218_00.jpg

Iilan sa mga nasira at nawasak dulot ng nagdaang mga sama ng panahon at pagbaha ay paguho ng lupa gaya nito. Nangangamba na kami dahil patuloy na gumuguho ang lupa dahil sa patuloy ng pag-ulan hanggang sa ngayon. Noong una ay may malaking kahoy ng talisay na nakatayo dito pero natangay na ng malaking baha. Malambot ang lupa ng aming lugar kaya madali itong guguho kapag may malakas na pag-ulan.

IMG20230109102644_00.jpg

Sa patuloy kong paglalakbay ay napansin ko itong pinutol na punong kahoy ng Atipolo. Nakakalungkot dahil pinutol nila na hindi pinalitan ng bagong tanim para mapanatili ang kagandahan ng lugar. Ang lugar na ito ay kakaunti nalang ang mga malalaking kahoy na nakikita dahil halos natangay na ng tubig ilog ang mga ito. Ang pinutol na kahoy ay ginamit daw sa pagkumpuni ng bahay at ayon sa mga taong nakatira dito ay tataniman nila ng mga maliliit na puno gaya ng Tugas, Mahogany at Germilina ang lugar na ito.

IMG20230109102303_00.jpg

May mga magagandang mga halaman din ang makikita dito gaya ng Anahaw na ito. Ang anahaw ay isang pambansang dahon ng Pilipinas at kadalasang ginagamit ito sa bahay. Ito rin ang ginagamit ng mga magsasaka na nagtatrabaho sa bukid lalo na kung may ulan. Ang tuyong dahon ng anahaw ay ginagamit din bilang pamaypay o di kaya ay pandekorasyon sa ibat-ibang okasyon gaya ng kasal, binyag, fiesta at marami pang iba.

IMG20230109102836_00.jpg

Isa ito sa mga magagandang bulaklak na makikita dito sa aming lugar at tinatawag itong Morning Glory dahil sumisibol lang ito tuwing umaga. Popular ang ganitong uri ng bulaklak at kadalasang tumutubo ito sa gilid ng punong niyog. May mga ibat-ibang uri ng mga insekto ang dumadapo dito lalo na ang mga bubuyog, tutubi at paru-paru. Madali lang tumubo o paramihin ang ganitong uri ng mga bulaklak pero dahil marami dito kaya hindi na magtatanim ang mga tao pero hindi naman nila ito pinapatay.


🌳🌳🌳🌳🌳🌳🌳🌳

Kung mapanatili at maaalagaan lang ang ating kapaligiran ay matatamasa talaga natin ang kagandahan nito. Nais ko ring imbitahan sina @manticao, @jessmcwhite at @jb123 para sa talaraawan dito sa steemit at ang 25% ay ibabahagi ko sa @null.
Sort:  
 last year 

Sana naman maayos na ang panahon diyan sa inyo kasi problema talaga ng lahat pag malakas at matagal ang pag ulan. Talagang bumabaha sa ibang lugar. Nakakalungkot at patuloy pa din ang deforestation diyan sa inyo. Buti sana kung ang papakinabangan lamang ay ang mga puno na natumba dahil ng bagyo. Ngunit ito ay sinasamantala ng mga ganid kasi naisasagawa nila ang pag sasamantala sa ating likas na yaman diyan sa ating kagubatan ng walang nakakakita sa kanila. Sana ay mabago na ito. Maraming salamat sa pagbahagi ng iyong artikulo para sa kaalaman ng lahat @aehryanglee

 last year 

Tama ka po. Patuloy pa rin ng pagputol ng mga punong-kahoy dito sa aming lugar. Nangangamba din kmi baka sa patuloy ng pagputol ay baka tuluyn nng masira ang aming lugar. Walang anumn po.

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png

 last year 

Thank you very much for supporting my posts..

 last year 

Salamat sa pagbahagi ng mga larawan ng magagandang lugar sa Barangay Paniangan sa Lungsod ng Manticao sa Misamis Oriental. Talaga namang napakaganda ng mga lugar na iyon, lalo na ng ilog ng Manticao at ng mga bulaklak ng Morning Glory. Hindi rin nakapagtataka na naging sanhi ng pinsala sa ilang lugar ang sama ng panahon at pagbaha, lalo na kapag malambot ang lupa at may mga malakas na ulan. Sa tingin ko naman, mas makabubuti kung magtatanim ng bagong puno ang mga lugar na pinutolan nang puno, upang mapanatili ang kagandahan ng kapaligiran. Mabuti naman na hindi pinapatay ng mga tao ang Morning Glory, dahil talagang napakagandang tingnan ng mga bulaklak na iyon. Salamat muli sa pagbahagi ng mga larawan.

 last year 

Walang anuman po. Tama po kayo, mas maganda talaga na palitan ng bago ang pinutul na mga puno para mapanatili ang kagandahan ng lugar.

 last year 

Ilang are na ngangaging gloomy ang panahon dito sa atin lods. Parang mukha ko lang ang panahon, laging na kasimangot. Haha.

Mas madali ngang masira ang natural na hugis nag lupa ngayon dahil sa mga baha. Kawawa ang mag isa dang naninjrahan dyan sa ilog

 last year 

Nangangamba na ang mga nakatira malapit po Dito.

 last year 

Greetings to you @

I am inviting you to follow and subscribe to Channel "F" on Steem Community.

Join our contest this week:

See you there!

Black Laurel Wreath University Sticker.svg


Social Media
DiscordTwitterFacebook Page

Sincerely,
@juichi
Philippines Country Representative

 last year 

Thank you for notifying me.

 last year 

Green na green ang paligid. Nawa mapanatili ang kagandahan ng lugar.

 last year 

Salamat po. Sana nga po. ☺️

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 67658.71
ETH 3766.98
USDT 1.00
SBD 3.59