ANG BISITANG SI BAKUKANG or RHINOCEROSBEETLE
Hello ka Steemian, kumusta kayung lahat sana ay nasa mabubuti kayung kalagayan ngayun.
Nais kulang ibahagi sa inyo ang aming bisitang si "Bakukang or Rhinocerosbeetle" ng gabing iyun sa loob ng kuwarto namin may isang tunog akung narinig pero hindi ko mawari kung ano iyun hanggang sa nakita ko nalang sa kurtina namin si Bakukang na gumagapang kaya kinunan ko nalang siya ng picture hindi ko nalang hinawakan kasi ayaw ko siyang maistubo at hanggang sa nawala nalang siya. At alam niyo ba na bago maging Bakukang ay isa muna siyang "Uod"?
At sa pagkakaalam ko ang mga Bakukang ay nakatira daw sa mga niyog. Naalala ko noong bata pa ako doon sa probensya namin kapag isasama ako ang lola ko mangunguha kami ng mga kahoy para panggatung namin at kapag may nakikita kami na putol na puno ng niyog yung matagal na nakahilata, tinitingnan yun ng lola ko ang loob at doon may makukuha siyang mga malalaking kulay puti na "Uod" at alam nyo ba na kinakain yun ng lola ko! naalala kupa talaga yung reaction ko doon sa panahon na iyun tumatakbo ako at nagtatago sa puno ng bayabas natatakot at nagtataka ako kung bakit kinakain iyon ng lola ko aswang bayung lola ko? iyun ang nasa isip ko noong panahon na iyon at noong tapos na siya tinawag na niya ako, at kahit takot tinanung ko yung lola kung bakit niya kinakain iyung Uod ang sabi niya lang ay maganda iyun sa katawan apo nagbibigay ng vitamina, apo sa susunod wag ka ng tumakbo papakainin kita nun, yun ang naaalala ko sa lola tungkol sa "Uod" bago maging "Bakukang or Rhinocsrosbettle" nagtataka man ay hindi ko nalang kinulit si lola. Pero hindi ko talaga sinubukang kumain nun tumatakbo parin ako.
Hanggang dito nalang sana ay nagustohan niyo ang kwento.
@remay
JOIN WITH US ON DISCORD SERVER:
Thank you @wo-photography for the recognize God Bless