orhinal na tula or Filipino poetry

IMG_20200212_205136.jpg

My father has passed long long ago but since it's his birthday today. I would like to greet him a happy birthday through poetry. I made it in our own dialect, tagalog.

"Itay maligayang kaarawan"

orihinal na tula

"Maligayang araw Itay"

Pilit kong binobuklod ang mga letra,
Upang ito'y maging isang magandang salita.
Ngunit parang ayuko na,
Dahil napapatulo lang ang mga luha.

Wala man ako sa edad ng katandaan,
O di ko rin masabing akoy nasa panahon ng kabataan.
Pero sariwa ka pa rin sa aking alaala,
Buhat ng ikaw umalis at alam kong hindi na babalik pa.

Itay, kumusta naba?
Kaarawan mo ngayon pala.
Mas okay sana kung buhay kapa.
Matitikman mo sana ang pagsisikap na kanilang ginagawa.

Maligayang araw pala kahit wala ka na.
Binabati kita para alam mong andito kapa rin sa aming alaala.
Huwag kang mabahala at maayos naman kami.
Mahirap ang buhay pero lagi kaming nakangiti.

Kaya kung saan ka man naroroon.
Patawad pero kailangan ng kalimutan ang kahapon.
Hindi naman kasi pwede nating balikan,
At ang nadaramang sakit ay hahayaan lang.

image is mine,
huawei p8

d' dreamboy,
@mrnightmare89