Pulitikong Buwaya

in Photography2 months ago

image.png

Ang mga pulitikong buwaya ay nasilabasan na
Hindi pa opisyal na panahon ng kampanya
Pero kanya kanyang ingay na sa social media
Animo’y walang pinagdadaang pandemya.

Puro siraan at patutsadan sa isa’t isa
Nagsilabasan ng mga baho nila
Paulit- ulit parang sirang plaka
Mga lumalabas sa kanilang bunganga

Para di tayo agad mapaniwala at mawala
ugaliin nating magsaliksik at magbasa
Para hindi lang binabase sa haka-haka
At hindi matawag na panatiko sa pulitika.

image.png

🦎🦎
Kaibigang butiki na wala sa kisame
Dahil sa sahig nakapirme.
Di siya katulad ng mga buwaya at buwitre
Na naka upo sa kanilang trono at tore
Kita niyo naman, payat ang kawawang ale.🙂

image.png

Patungkol sa mga larawan:
Hindi siya buwaya kundi butiki.

image.png

Photos are mine and taken by me using my A10s
Taken at Urdaneta City, Pangasinan, Philippines

Thank you for stopping by:-)
May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace.
God bless us all :-)


me.png
image.png

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.06
JST 0.040
BTC 35695.83
ETH 2500.82
USDT 1.00
SBD 4.04