Madalas bang IKAW ay | A Filipino PoemsteemCreated with Sketch.

in Writing & Reviews3 years ago (edited)

PicsArt_04-28-12.49.10.jpg


Madalas bang ikaw ay nagtatanong
Kailangan ng mga sagot at tulong
Buhay mo ba'y paatras o pasulong
O paikot ikot na parang isang gulong

Madalas bang ikaw ay nagdududa
Kung itong bagay na ito ay kaya?
Maraming nais at gustong matamasa
Pero nasasambit mo lang, ay, teka!

Madalas bang ikaw ay nalilito
Kung papunta doon o punta dito
Tinatanung ang sarili kung sino
Ang mga peke at ang mga totoo

Madalas bang ikaw ay ang panalo
O mas lamang na lage kang talo
Yung binigay mo na yung todo mo
Pero wala palang tagumapay sa dulo

Madalas bang ikaw ay nagpapabibo
Kanilang atensyon nais mong masolo
Subalit bilog yaring ating mundo
At hindi lamang sayo umiikot eto

Madalas bang ikaw ay nagtitiwala
Mga taong iyong sadyang inaakala
Na sa iyong tabi'y di mawawala
Yun palay maglalahong parang bula

Madalas bang ikaw ay tumitingala
Sa Diyos na lumikha at dakila
At sabi moy ikaw na po ang bahala
Itinaas sa kanya lahat ng yong gawa

Madalas bang ikaw ay gumagawa
Netong kung anu anung mga tula
Yun di mo alam panu nagsimula
At matatapos na lang ng bigla


image0.png

Sort:  

I dont know tagalog but sure its a good poem as you write it.

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.12
JST 0.026
BTC 56965.36
ETH 2498.49
USDT 1.00
SBD 2.34