MY ENTRY: "Heneral Luna" Pinoy Movie 📽️ NEW CONTEST!! ⭐ TIME FOR REVIEWS: Movies Based on True Stories 🎬 by @belenguerra

in Writing & Reviews3 years ago (edited)

Peter Parker once said "with great power comes great responsibility"

Hello to the wonderful people of Writing and Reviews Community! I hope you are all doing great as much as I perceived. Honestly, I felt really pretty excited to participate in this contest because I'm a fan of movies based on a true story.
I wanted to share with you guys my thoughts on this Filipino movie which is based on the life of one of the greatest hero in the Philippines, General Antonio Luna. Though he doesn't have great power as what spider man has but he takes the great responsibility of protecting our country from the invaders.
Since this is a Filipino Movie please allow me to use my National Language. So let's start!

image.jpeg
Source image

Kung aking babalikan tiyak kong mahigit apat na taon na ang nakalipas nang una kong mapanood ang pelikulang ito. Masasabi kong ito ay isa sa pinakamagandang pelikulang Pinoy na aking nakita na maaaring pumantay sa mga pelikula ng kanluranin.

Sa pagsusuring ito unahin nating banggitin ang buod ng pelikula. Hindi lingid sa inyung kaalaman at dahil na rin ito'y aking nabanggit sa simula ng aking blog, ang pelikulang ito ay nakabatay sa talambuhay ng bayaning si Antonio Narciso Luna de San Pedro Posadas y Novicio Ancheta. HooO! That was pretty long name.
Ginamit ang Heneral Luna bilang pamagat ng pelikula kasunod sa pangalan ng pangunahing tauhan. Ang nasabing pelikula ay nakabatay sa buhay na dinanas ng bayaning si Anotonio Luna, ang kanyang pakikipagtunggali sa mga mananakop na Espanyol at Amerikano. Maliban doon nakapokus rin ito sa mga naranasang hinagpis ng kapwa kong Pilipino, mga diskriminasyon, korupsyon ng pamahalaang namumuno, kawalan ng hustisya, pagwawalang-karangalan, at pang-aagaw ng lupain. Sa kabila ng ito buong puso at lakas pa rin na lumaban ang Bayani para sa kalayaang gustong tamasan ng kanyang bayang sinilangan.

Tunay ngang masakit isipin na ang mga Pilipino noon ay naging alipin ng kanilang sariling bansa. Gayun paman masasabing kong kahanga-hanga ang pelikulang ito. Lubusang naging mas makatotohanan ang mga daloy ng pangyayari sa pelikula dahil sa mahusay na pagganap ng mga aktor. Kitang-kita ang dedikasyong kanilang inilaan, ang emosyon, ekspresyon ng mukha, at pagbigkas ng mga linya tagalang ang mga manunuod ay madadala. Lalong naging mas matagumpay pa ang nasabing pekikula dahil sa maganda at maayos na angulo sa pagkuha ng mga eskina, ang paaglalapat ng mga effects at musika. Ang desinyong pamproduksyon ay akmang-akma na nagpapakita na ang mga pangyayari ay naganap sa nakaraan. Ang editing, napakahusay na pagkagawa.
Sa kabuoan tunay ngang napanganga ako ng pelikulang ito.
Buong puso ang aking pagbati sa direktor, lahat ng mga aktor na gumanap, camera man, at lahat ng mga taong naging dahilan kung bakit naging matagumpay ang pelikulang ito. Walang dudang maaaring ipagmalaki sa ibang bansa.
@hopefrecy

Thank you so much! Though some of you guys can't understand what I'm saying but grateful of you for passing by.
Thank you do much @belenguerra @fendit for having me this chance of showcasing our own Pinoy Movie.

Sort:  
 3 years ago 

Thanks for sharing my friend. Please remember to cite the source of the information if you had read some websites to write the post.

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63184.34
ETH 2560.17
USDT 1.00
SBD 2.72