The Diary Game Season 3 (12-01-2020) | Mga Batang Kasama kong Sumilong dahil sa Malakas na UlansteemCreated with Sketch.

in Steem SEA4 years ago (edited)

Isang magandang Buhay para sa ating lahat!!!

Ngayon ay ang unang araw nang buwan nang Desyembre at malapit na nga ang araw nang Pasko na kung saan lahat nang Pilipino ay nagdiriwang kahit na sa ganitong panahon nang pandemya, ang lahat pa rin ay masaya at mapayapa.

20201201_155501.jpg

Ngayong araw nga ay maaga ulit akong gumising na siya naman talagang nakasanayan ko, siguro nasa mga oras na 5:00 nang umaga uli upang makapag handa nang pagkain at magawa na rin ang iba pang pweding gawain sa aming bahay bago ako pumunta sa aking munting sakahan.

Noong mga nasa oras na siguro na 8:00 nang umaga ay umalis na rin ako, pagkatapos mismo nang aming agahan upang medyo maaga ako makarating at para na rin maagang matapos at nakarating nga ako sa mga oras 8:20 nang umaga at sa pagdating ko sakto din na umulan nang malakas kaya napag pasyahan ko na sumilong muna sa ginawang pagingahan nang aking tiyohin sa kanilang sakahan na malapit lang sa akin at sakto naman na wala sila doon pero meron akong nakitang dalawang bata na nakisilong din.

IMG_20201130_112600.jpg

Noong kinukonan ko na sila nang litrato ay nahihiya ang ate kaya tinakpan niya ang kanyang mukha. Noong tinanong ko sila kong bakit sila nandito rin ay sinabi nitong ang kanilang ina ay nasa ilog at naglalaba kaya noong bahagyang palakas na ang ulan ay dinala niya ang kanyang maliit na kapitid at nakisilong upang hindi sila mabasa sa ulan at napag alaman ko na meron palang sakit ang maliit na bata kaya dali-dali niya itong isinilong.

IMG_20201130_110213~2.jpg

Siguro mahigit isang oras din bago natapos ang ulan kaya medyo matagal din ang kanilang paghihintay sa kanilang ina naglalaba. Mas mabuti na rin na nakisilong sila upang hindi tuluyang lumala ang sakit nang maliit na bata at para na rin sa ate na hindi rin magka sakit.

IMG_20201130_112332.jpg

Mga nasa oras na 10:00 nang umaga siguro medyo humina na ang ulan at oras na rin para sa akin na gawin ang mga gawain sa aking sakahan kahit na kaunti nalang ang oras kaya minadali ko nalang ang pag lilinis at iba pang gawain, kahit na hindi matapos basta meron lang din akong magawa bago lumakas muli ang ulan. Kaya sa mgq oras 11:40 nang umaga ay tinapos ko na rin ang ginagawa ko kahit marami pang pweding gawin kasi medyo makulimlim pa rin ang kalangitan at baka lumakas muli ang ulan kaya nagmadali ako sa pag uwi at saktong pag uwi ko nga ay lumakas muli ang ulan, talagang laking pasasalamat ko at hindi ako nabasa nang malakas na ulan.

Pag uwi ko rin ay sakto din na naka handa na ang aming pananghalian at nag luto ang aking ina nang tinolang isda na nilagyan nang sayote at talbos nang malunggay at napawi rin ang lamig na aking nararamdaman buhat nang panahon na malamig na dulot nang araw-araw na pag ulan at siguro dahil panahon na rin nang pasko na inaasahan na malamig talaga ang panahon.

Ngyon naman, sa pag sapit naman nang hapon ay tinuloy ko rin ang mga iba ko pang mga gawain tulad na lamang nang pagdidilig nang mga ibang halaman namin na hindi na ulanan at iba pang mga pweding gawin.

At ito lamang ang aking maibabahaging #thediarygame para sa inyong lahat sa araw na ito at hanggang sa susunod na araw uli, paalam!!!

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri.

Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.

Sort:  
 4 years ago 

Very busy activity my friend, i haven't seen you here for a long time.
Did something happen to you?

#onepercent
#indonesia

 4 years ago 

No, I okay my friend, busy with my work but now I will try my best to post daily.

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Curated by @blessed-girl

r2cornell_curation_banner.png

Enhorabuena, su "post" ha sido "up-voted" por @dsc-r2cornell, que es la "cuenta curating" de la Comunidad de la Discordia de @R2cornell.

 4 years ago 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

Thank you for taking part in The Diary Game on Steem.

And thank you for setting your post to 100% Powerup.

Keep following @steemitblog for the latest updates.

The Steemit Team

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 56647.53
ETH 2372.20
USDT 1.00
SBD 2.26