THE DIARY GAME (08-19-2020) | Ang Mga Na Ani Naming Mais

in Steem SEA4 years ago

Magandang Buhay sa lahat!!!

Isa na namang magandang araw ang nakalipas para sa akin at para sa ating lahat, nawa ay nasa maganda kayong kalagayan.

Sa araw na ito, isa na namang magandang kaganapan ang nang yari sa akin, lalong lalo na sa mga tanim ko sa aking munting gulayan at iba pang mga tanim.

20200821_215902.jpg

Para sa araw na ito, ipapakita ko sa inyo at ilalarawan ang mga pangyayari sa aming pag-aani nang mga mais.

Sa uulitin, maaga na akong gumising sa araw na ito, sa mga oras na 5:00 nang umaga, hindi gaya kahapon na medyo matagal akong gumising. Ngayon, ako na uli ang nag luto nang aming pagkain para sa agahan at niluto kong ulam ay yong gulay na na ani ko kahapon.

Mga oras na 7:00 na rin kami kumain nang agahan, hindi ko lang alam kong masarap ba ang niluto ko, kasi para sa akin masarap naman, hindi ko lang alam sa ina ko, kung nasarapan ba siya sa luto ko.

Pag sapit nang ika 9:00 nang umaga, oras na nang pag aani nang aming mga mais na mahigit sa 3 buwan na naming tinanim.

FB_IMG_1598017633284~2.jpg

Noong una, akala ko ako lang at aking ina ang mag aani nang aming mga tanim na mais, hindi ko akalain na sasama din pala ang mga masisipag at mabubuti kong mga pamangkin. Siguro, medyo sumipag sila at naisipan nilang tulongan kami sa pag aani.

Ating makikita rin sa larawan na kinuha ko na, masaya sila sa kanilang ginagawang pag tulong sa amin at syempre lahat naman nang pag tulong nila ay meron kabayaran.

Nag simula kaming nag ani sa mga oras na 10:00 nang umaga at natapos ito sa mga oras na 3:00 na nang hapon. Hindi naman gaanong marami ang mais namin pero dahil na rin sa init nang sikat nang araw kaya medyo natagalan kami sa aming pag aani.

Pagkatapus naming mag-ani, inu unti-unti na rin namin itong binalatan at pagkatapos itong balatan, ay ibilad sa araw upang pwede na itong ibinta o kaya ay gawing bigas para sa aming pagkain.

Talagang malaking tulong itong mais sa amin, kasi bukod sa pera na pwede naming kitain sa pagbibinta nito, meron din kaming pwedeng gawing pagkain na pangtostus sa aming pang araw-araw na pagkain.

Kaya kailangan talaga nating mag tanim, lalong lalo na sa panahong ito nang pandemya, talagang malaking tulong.

At ito lamang ang aking maibabahaging #thediarygame para sa inyong lahat sa araw na ito at hanggang sa susunod na araw uli, paalam.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat.

Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.


Ni Recruit ni @fycee kasama ang Team Philippines Update

Para sa Team Philippines, bisitahin sina @fycee, @dashand, @kneelyrac, @pingcess, @sarimanok, @olivia08 at @appleskie

Sort:  
 4 years ago 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.
Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Greetings: @anroja

Thank you for taking part in The Diary Game on Steem.

And thank you for setting your post to 100% Powerup.

Keep following @steemitblog for the latest updates.

The Steemit Team

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.13
JST 0.028
BTC 56576.23
ETH 3024.80
USDT 1.00
SBD 2.29