THE DIARY GAME : (08/11/2020) | Ang Ganda Nang Ilog Sa AminsteemCreated with Sketch.

in Steem SEA4 years ago (edited)

Magandang Buhay sa ating lahat!!!

Para sa araw na ito, dadalhin ko kayo sa isang paraiso na makikita lamang dito sa amin, ang tinatagong likas na yaman, ang aming ilog.

Ang ilog na ito ay ang isa sa pinag kukunan nang tubig sa amin. Maraming naliligo dito lalong lalo na ang mga kabataan. Meron ding mga nangingisda at mga inang naglalaba.

Marami ding mga hayop ang nakikinabang dito tulad na lamang nang mga Kalabaw, Baka at Kambing dahil dito sa ilog na ito sila umiinom.

IMG_20200811_105159~2.jpg

Ating nakikita sa litrato ang ganda nang kapaligiran kong saan naroon ang ilog. Meron itong maraming mga malalaking puno na nakapalibot dito.

Sa aking paglalakad sa paligid nang ilog, marami talaga akong nakitang magagandang tanawin at akin itong ipapakita sa inyo.

MVIMG_20200811_103917~2.jpg

Dito, ating makikita ang kalinisan nang ilog na kong saan medyo malakas na ang agus nang tubig. Mas maganda pa nga ito ngayon kasi walang ulan, pag may ulan kasi mas malakas pa diyan ang agus nang tubig.

Nakikita niyo rin ang aking alagang aso na si Bem, palagi ko siyang kasama sa tuwing nag lalakad ako o meron ginagawa sa labas, parang gwardya kombaga. Kasama din namin ang anak niya na si Racky, pero hindi nasali sa litrato.

MVIMG_20200811_110329~2.jpg

Nagpatuloy ako sa paglalakad at nakita ko itong isang Kalabaw na naliligo sa ilog at saktong sakto nga na sa pag kokoha ko nang litrato sa kanya, ay nakatingin ito sa akin na para bang gusto niya din.

Talagang nakakamangha ang kalabaw dahil sa tuwing tinatawag ko siya, ay tumitingin siya sa akin. Para nang merong pagiisip din ang mga hayop kaya dapat natin silang alagaan at mahalin.

Sa litratong aking binahagi, masasabi ko na talagang napakaganda nang ating kapaligiran at kalikasan na ginawa nang ating Dios.

Kaya nararapat lamang na atin itong pahalagahan at ingatan sa pamamagitan lamang nang mga simpling bagay tulad nang paglilinis nito at huwag mag tapon nang mga kalat kong saan saan.

Ating tatandaan, kong anong tinapon mo, ito rin ay babalik sayo. Kaya gumawa ka nang mabuti ngayon upang hindi ka magsisisi sa huli.

At ito lamang ang maibabahaging #thediarygame ko para sa inyong lahat at hanggang sa susunod na araw uli, paalam.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat.

Salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito.


Ni Recruit ni @fycee kasama ang Team Philippines Update

Para sa Team Philippines, bisitahin sina @fycee, @dashand, @kneelyrac, @pingcess, @sarimanok, @olivia08 at @appleskie

Sort:  
 4 years ago (edited)

Natuwa ako dun sa kalabaw. Dapat natin mahalin Ang lahat NG may buhay. Yan na Lang din iniisip ko kahit Ang masasamang mga Tao eh kulang Yan sa pagmamahal. Ang Ganda NG tanawin sa inyo Mel! Isang gift na Wala sa Amin. NASA apat na sulok Lang ako NG kwarto ko. Hahaha. #onepercent #philippines

 4 years ago 

Salamat po sa pagbabasa, talagang maganda po dito.

 4 years ago 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Keep following @steemitblog to get the latest Update.

Greetings @ernaerningsih

 4 years ago 

Thank you very much and thanks for reading @ernaerningsih😇

Your most welcome

Thank you for taking part in The Diary Game on Steem.

And thank you for setting your post to 100% Powerup.

Keep following @steemitblog for the latest updates.

The Steemit Team

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63968.82
ETH 2633.99
USDT 1.00
SBD 2.84