The Diary Game Season 3 : Better Life July 8, 2021 : Ang Pinagkakaabalahan ng Kabataan sa Gitna ng Covid MECQ dito sa Cagayan De Oro

in Steem SEA3 years ago

Magandang araw mga ka Steemit !!! Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko ang mga actividad namin dito sa bahay sa kabila ng MECQ o Modified Enhance Community Quarantine dito sa aming syudad ng Cagayan De Oro .

206327522_868771430724714_294038692289797507_n.jpg
Ang magpipinsan soot ang kanilang bagong Ballet costume

Ang MECQ ay nagsimula nitong June 1 hanggang July 15, 2021 at napakadaming bawal ang ipinapatupad sa aming syudad tulad na lamang na dapat kang magdala ng Exit pass at QR code na may ID o kayay ID upang ikaw ay makalabas kung sakaling may kinakailangan kang bilhin sa mall o sa palengke.
Bumaba din ang bilang ng mga namamasadang pampasaherong Jeep.Pero napapansin kong kahit na MECQ ay marami pa ring mg taong lumalabas at namamasyal hanggang ngayon kayan nagalit at pinintasan ni Pangulong Duterte na matitigas ang ulo ng mga tiga Cagayan De Oro.

209217128_868771520724705_6069181111310339425_n.jpg
Unang position basic ng kanilang pag ballet

Para sa akin ay mas mabuti pang manatili na lamang sa bahay at magtrabaho online.Lalabas lamang ako kapag kinakailangang mag grocery o kayay pumunta sa palengke. Malaking bagay ang magtrabaho online gaya na lamang last year ng mag lock down ang boung bansa ay nahirapan ang lahat dahil sa walang trabaho at makain ang mga tao.

Mahilig magsayaw ng Ballerina dance ang aking anak na si Naya. Natutuwa ako sa kanya na shia tuwing sumasayaw sya kaya naisipan kong umorder sa shoppee ng Ballerina dress sa Shopee. Umorder din ako ng stocking at Ballerina shoes. Tuwang tuwa sya at excited ng malaman na umorder ako .

Inantay ng anak ko ang ilang araw at dumating na nga ang inorder ko na Ballerina dress para sa kanya. Sinoot kaagad ang damit pangsayaw at sapatos. Kinuha din ng pinsan nya ang kanyang damit Ballerina para pareho sila na nakasoot ng Ballerina dress.

Pagkatapos nilang sumayaw ay pinaghandaan ko sila ng meryenda. Paborito nila ang Jollibee kaya bago pa sila matapos sa kanilang ensayo ay nag order na ako sa food panda ng makakain nila.

203614913_1097579584104466_1002862595371027578_n.jpg
jollibee Chicken joy supresa sa kanila pagkatapos ng kanilang pagsasayaw

Nagpraktis silang magsayaw hanggang makabou sila ng sayaw na pang Ballerina. Masaya silang nanood sa Youtube upang gumaya ng mga sasayawin nila.Tuwang tuwa akong mapanood sila dahil noong bata ako ay di ko naranasan ang makasoot ng damit pang Ballerina dahil sa kakapusan sa buhay kaya masaya akong maibigay sa mga anak ko ang mga gusto nila.

202009782_844945789730462_7674169712209327195_n.jpg
Meryenda nila na sphagetti mula sa Jollibee

Nasayahan kaming panoorin sila nag sasayaw ng ballerina kaya ay inorderan na namin ang ibang mag pinsan ng ballerina costume.Nakakatuwa silang tingnan na sa kabila ng mahigpit na MECQ na di sila makalabas ay hinanapan namin sila ng paraan para hindi sila masyadong mabagot kahit nasa loob lng ng bahay maliban sa paggawa nila ng module ay mayroon silang ibang pagkaka abalahan kesa sa mag cellphone sila boung araw.

193563804_854761408792383_5354176840802487170_n.jpg
Ang kasiyahan ng aking anak ng unang dumatimg ang order nyang shopee na ballet costume

Kaya ngaung MECQ ay ginagawan ko ng paraan maliban sa pag momodule na may libangan ang mga bata dahil nakakabagot ang lagi na lamang sa loob ng bahay at di nakakalabas dahil bawal ang mga bata palabasin. May mga tanod na nag iikot na nanghuhuli ng mga nagkukumpulang mga tao o kayay mga batang nasa labas.

Hanggang dito na lamang muna ngayong araw na ito at sa muli kong post sana ay muli nyong suportahan ang post ko.

Maraming salamat kay @anroja @nazarul @el-nailul @herimukti @ikhsan01 na naging inspirasyon ko dito sa steemit.

Maraming Salamat sa inyong pagbabasa ...Hanngang sa Muli !!!

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 68611.07
ETH 3913.05
USDT 1.00
SBD 3.61