The Diary Game Better Life July 19, 2021: Ang Enhance Community Quarantine ng Cagayan de Oro Covid Ghost Town

in Steem SEA3 years ago

Magandang araw mga Ka Steemit ! Kamusta kayong lahat mga kaibigan ? Sana sa pagbasa nyo ng post ko na ito ay nasa mabuting kayong kalagayan sa kabila ng pandemya na dinadanas natin.

FB_IMG_1626764638351.jpg
Divisoria Street Cagayan de Oro

Ngayong araw ay ibabahagi ko sa inyo ang kaganapan ng aming Syudad ngayong araw na pinahigpitan na ang Enchance Community Quarantine (ECQ).

FB_IMG_1626764635572.jpg
Burgos street

Noong July 16, 2021 ay inanunsyo ng aming Pambansang Pangulong Duterte ang Cagayan de Oro ay isasailalim sa ECQ dahil sa napakaraming Covid cases ng aming syudad kasama na ang may 5 kaso ng Delta Covid Variant.

FB_IMG_1626764624166.jpg
Gaston Park Cagayan de Oro

Kung bakit napilitan ang Pangulo dahil sa noong nakaraang linggo sa kabila ng MECQ ay marami pa ring mga taong pumapasyal sa syudad na parang walang nakakatakot na covid na para bamg normal lang ang lahat.

FB_IMG_1626764631556.jpg
Cruz Taal Street

Para sa akin ay mas gusto kong nasa bahay lamang at nagtatrabaho online kesa sa namamasyal sa labas.lalong lalo na ako ay wala pang vaccine nkkatakot ang gumala sa labas.

FB_IMG_1626764666969.jpg
Cogon Public Market

Kanina umaga ng 10:00 am ay napilitan akong lumabas at pumunta sa botika para bumili ng gamot ng aking anak.Mahigpit sa labas may mgs bantay na pulis pero ako ay nagpaalam na bibili lamang ng gamot para sa anak dahil di pinapayagan kapag hindi importante ang lakad mu at hindi essential ang kelangan.

FB_IMG_1626764671142.jpg
Pabayo Street Cogon

Kinuhanan ko ng picture ang syudad at nag mistula itong parang Ghost Town dahil sa walang tao. Walang trabaho ang lahat at ang ikinababahala ng lahat ay wala pang ayuda mula sa gobyerno ng syudad.

FB_IMG_1626764627356.jpg
7 11 Divisoria

Umabot ako sa palengke at doon ako ay bumili ng gamot sa botika.Marami sa istablishmyento ay sarado at may iilang tao lang ang nakikita na may binili rin na importante.

Noong nakaraang araw lamang ay napakagulo ng palengke na ito maraming tao namimili , maraming taong nagtitinda at marami ring mga pampasaherong jeep ang tumatakbo kasama na ang pribadong sasakyan.

Ang Enhance Community Quarantine ay nag umpisa noong July 16 at matatapos ngayong July 31, 2021.Sana ay bumaba na ang kaso ng Covid-19 ng aming syudad dahil nakakabahala na ang pagtaas nito lalong lalo na ang ECQ sana ito ay hindi na ma extend pa.

Pagkatapos kung bumili ng gamot ay agad akong umuwi ng 11:00 am dahil natakot akong mahuli at mamultahan ng 2,000 pesos.

Sa kabouhan ay napakatahimik at payapa ng syudad namin ngayon.Ganito rin noong nakaraang taon.

Maraming Salamat sa inyong pagbabasa mga ka Steemit hanggang sa susunod kong post.

Hanggang dito na lamang muna ngayong araw na ito at sa muli kong post sana ay muli nyong suportahan ang post ko.

Maraming salamat kay @anroja @nazarul @el-nailul @herimukti @ikhsan01 na naging inspirasyon ko dito sa steemit.

Maraming Salamat sa inyong pagbabasa ...Hanngang sa Muli !!!

Sort:  
 3 years ago 

Keep Safe Always!

Thank you my friend :)

 3 years ago 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 68498.38
ETH 3905.59
USDT 1.00
SBD 3.66