The Diary Game Better Life July 16, 2021 : Ang Pamamasyal sa Mala Pusong Harden at Pamimili ng Prutas at Gulay sa Aming Palengke

in Steem SEA3 years ago

Magandang Araw mga Ka Steemit !!! Isang masayang araw sa ating lahat.Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko ang aking mga naging actividad Kahapon.

c476b39dc6c804ac571972594d91bd39.0.jpg
Selfie sa Puso ng Saging

Alas 7 ng umaga ay inumpisahan ko ng mamasyal at magdilig sa aming harden.Napakasaya kong makita ang napaka mabunga naming mga harden.Hindi ko mai alis na ngumita sa ganda at labong ng mga halaman lalong lalo na ang nagbubungang Puso ng Saging.

9cdd91c2cd5c02b049957e119250bf6a.0.jpg
Puno ng Niyog

Parang itong puso ng tao na umuusbong at punong puno ng pagmamahal galing sa amin na nag aalaga sa mga tanim namin sa harden.

ec5bae3fdb4b00f9a37893428b41be23.0.jpg
Puso ng Saging

Napakaraming tanim na prutas at gulay namin sa harden tulad Buko , Saging, Kaimeto , Atis, Alugbati , Malunggay at iba pang mga makukulay na halaman na pinapalibot sa aming bahay.

acee3600e04442852b2b0eb48d389309.0.jpg
Puno ng Kaymito

Nilinis ko ang aming harden at nagdilig ng halaman bago ako umalis papuntang palengke dahil kelangan kong mamili ng iba pang gulay na wala sa harden namin gaya ng ampalaya, kamatis at ibang gulay na kelangan namin.

137a05b0f4cda68949689edffed375de.0.jpg
Ganas sa aming harden

Alas 10 ng umaga ako ay pumunta na ng palengke medyo malayo ito sa amin mga after ng isang oras ay nakarating din.Umakyat ako sa second floor ng palengke dahil naroon ang mga gulayan at prutasan.

725d91978e9dd6ba50ca63995f1f3ae2.0.jpg
Kuha ng litrato ko sa loob ng palengke

Maraming mga bagong dating na sariwang prutas at gulay.Namili ako ng Amapalaya , talong , Chinese Cabbage , kamatis, bawang at iba pa.Namili din ako ng mga isda pero di na ako kumuha ng letrato doon sa isdaan dahil sa delikadong mahablot ang cp.

09b02572417668ba8cd578144cfcaa10.0.jpg
Sariwang kamatis

Marami akong naipamili at halatadong mabigat na ang bitbit ko na eco bag.Mas gusto kong namimili sa palengke kesa grocery dahil triple ang doble ng presyo.Kaya lang kung maari lang ay may sariling dalang sasakyan dahil napakahirap sumakay ng pampasaherong jeep ngayon lalo na at MECQ.

84d6384e259ee2500bd874d4649e4817.0.jpg
Sariwang Chinese Cabbage

9ead7769dee4dffc1132bff30cf2b5f9.0.jpg
Ampalaya at talong

Sa kalaunan ay naging maganda at produktibo ang takbo ng aking araw na ito lalong lalo na at marami akong nagawa na mga bagay na para sa pamilya at mga anak.At ang pinaka na achieve ko ay nagawa kong bumalik mag post ulit dito sa Steemit.

e288db8fe109027e486cafb9a1c5b69d.0.jpg
Sariwang Carrots

Sana nitong mga sunond na araw ay mas marami pa akong ma post na mga blogs dito.Nakaka miss yung dati kong ginagawa ko dati na sa tingin ko ay mas may saysay ang mga blog post ko kapag sobra kong pinaghirapan at pinalalawak ko ang aking imahinasyon.

Hanggang dito na lamang muna ngayong araw na ito at sa muli kong post sana ay muli nyong suportahan ang post ko.

Maraming salamat kay @anroja @nazarul @el-nailul @herimukti @ikhsan01 na naging inspirasyon ko dito sa steemit.

Maraming Salamat sa inyong pagbabasa ...Hanngang sa Muli !!!

Sort:  
 3 years ago 


SELAMAT

Postingan anda telah terpilih dalam Edisi ke #43: 5 Postingan terpilih [17-07-2021]. Kami berharap anda terus konsisten dalam membuat karya yang berkualitas.

Salam Hangat,
Account Manager @steemseacurator

 3 years ago 

Hi, welcome to steemsea community, we are so happy to see you joining this community, I hope you are hppy to be part of the community

Should you have any question about the basic rules in this community please contact @traderpaw as our moderator in your country

Best Regards

Thank u for the very warm welcome :)

 3 years ago 

You are most welcome @antonette

 3 years ago 

happy to see you back on steemit..

Yes Im so happy that Im now back thank u for the inspiration my friend :)

 3 years ago 

I saw fresh vegetables and fruit in your post, it's one of the very good food.

Keep the spirit in managing posts on this great platform.

Congratulations @antonette
stay consistent and we look forward to more great works from you😊

 3 years ago 

Welcome to steemit family @antonette, glad to know that you are part of Steem SEA community. Keep steeming and see you on top! 😉

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 70137.39
ETH 3937.34
USDT 1.00
SBD 3.71