eHealth First Filipino Brochure

in #healthcare7 years ago

crypto.jpg
crypto.jpg
crypto.jpg
crypto.jpg

MGA YUGTO NG ICO

1.Pribadong Paglagak

Disyembre 1, 2017 — Marso 17, 2018

Aabot sa 1 000 000 tokens ang ipagbibili

Aabot sa 70% BONUS

Pinakamababang antas ng puhunan ay 10 ETH o kaya ay 0.5 BTC

2.Pre-ICO

Marso 18 — Abril 18, 2018

Aabot sa 1 000 000 EHF tokens ang ipagbibili ng

Walang limit sa bawat araw

Aabot sa 40% BONUS

Presyo sa panahon ng paglunsad ay 0.006 ETH sa bawat EHF token

Pag-angat ng presyo sa bawat araw +0.25%

3.Unang bugso ng ICO

Hunyo-Hulyo 2018

Aabot sa 25 000 000 EHF tokens ang ipagbibili ng

Walang limit sa bawat araw

Presyo sa panahon ng paglunsad ay 0.01 ETH sa bawat EHF token

Pag-angat ng presyo sa bawat araw +0.25%

IDEYA AT PANANAW

Lahat tayo, kung maaari lamang ay nais mabuhay nang masigla, malusog, at magkakaroon ng mahabang buhay. Ang mga pagbabago sa agham at mga makabagong teknolohiya ay nagdudulot ng inspirasyon sa paparating na solusyon sa suliranin radikal na pagpapahaba ng buhay, pag-iwas at paglunas sa kanser at sakit sa puso. Ang mga produktong gamit sa selula at gene therapies ay naririto na. Sila ang kasalukuyan sa agham ng biomedikal, subalit sila parin ang kinabukasan ng kalusugan.

Sa mga maunlad na bansa na sakop ng pandaigdigang seguridad sa lipunan, lahat ay may kakayahan makamit ang angkop na pangangalagang medikal, programa para makaiwas sa sakit at balanseng nutrisyon. Hindi ganito ang nangyayari sa mga bansang umuunlad pa lamang sapagkat ang mga mauunlad na bansa ay may sistemang pangkalusugan sa merkado. 90% ng kabuoang papulasyon ng mundo ay naninirahan sa ganitong «di kaaya-aya» kundisyon.

Ang mga tao ay pumupunta sa mga doktor. Sila ay naghahanap ng tulong para masuri, upang mapayuhan ng lunas tungkol sa sakit o ang pag-iwas sa mga komplikasyon, upang talakayin ang kanilang pananaw sa kalusugan para sa hinaharap.

Ang pangangalagang pangkalusugan ay dapat nakakamtan, nasa oras, epektibo at ligtas.

Subalit ang mga tao ay nahaharap sa maraming sumusunod na mga hadlang.

Hindi pagkakapareho ng mga impormasyon.

Ang mga doktor at pasyente ay may magkakaibang kwalipikasyon pagdating sa kalusugan. Ang mga pasyente ay walang kakayahang para epektibong suriin at piliin ang produkto o serbisyo ngunit kailangan pa silang bayaran ng diretso o gumamit ng ibang paraan sa pagbabayad upang ang kanilang karamdaman ay matukoy (ng nagbebenta), mabigyan ng lunas o rekomendasyon para maiwasang lumala.

Paggamit sa medikal na talaan.

Ang mga pasyente ay may limitadong paraan upang magamit ang kanilang medikal na impormasyon at kadalasan hindi nila ito nakikita o maitama man lang. Ituturo sa kanila kung ano ang pinakamabuting gawin ngunit wala naman silang kontrol sa mga importanteng personal na impormasyon.

Pagpapatuloy sa medikal na talaan.

Sa maraming bansa, ang mga doktor ay di nakakakuha ng medikal na impormasyon ng kanilang mga pasyente mula sa ibang ospital at mga klinika. Kung minsan ang pagiging tuluy-tuloy ng impormasyong medikal ay nakakaapekto sa kahihinatnan ng panggagamot.

Ang itinatagal ng isang medikal na konsultasyon.

Limitado ang oras ng pagdalo. Ang pasyente ay natitignan ng doktor sa loob ng 10-minuto para sa konsultasyon. Sa panahong ito gagawin ang medikal na datos, magtatala ng araw para sa muling pagkonsulta ng pasyente, susuriin ang pasyente at pag-uusapan ang posibleng alternatibo para mapanatag ang pasyente. Napakahirap para magkaroon ng sapat na oras para sa lahat ng mga dapat gawin, at kadalasan ang mga doktor ay nagsusulat at o ipinapasok sa talaan ang impormasyon habang nag-aantay ang pasyente.

Pagpila / Oras ng Paghihintay.

Bibilang ka ng ilang linggo o kaya ay buwan para lamang maitakda ang araw ng pakikipagkita sa doktor. Parehong sitwasyon ang nangyayari sa mga pagsusuring pantuloy sa karamdaman. Bilang resulta, walang natanggap na tunay na pagtulong ang taong naghintay ng ilang buwan. Hindi ito simpleng abala. Ang kalidad at ang inaasahang paghaba ng buhay ng tao ay nakasalalay sa tamang oras na makatanggap ang pangangalagang medikal.

Gastos.

Ang pasyente ay walang kakayahan o ayaw na pinag-hihintay para sa «libre» pangangalagang medikal o sa nararapat na pagsusuri na hindi sakop ng kumpanya ng pagseguro. Dapat nilang bayaran ang mga serbisyong medikal. Sa US, halimbawa, ang pagbabayad sa pagpapagamot ay ang dahilan ng higit sa kalahati ng lahat ng mga nabangkaroteng pamilya.

Kaalaman at kakayahan ng mga propesyonal sa kalusugan.

Kung ang pasyente ay napag-alamang may seryosong karamdaman, sila ay «nabubulagan» susunod na lamang sa rekomendasyon ng doktor at hindi na magkakaroon ng makatotohanang pagkakataon para alamin kung meron pa bang mas mabisang paraan. Ang mga pasyente ay umaasa sa kaalaman, kakayahan at kadalubhasaan ng kanilang doktor; sa karanasan at abilidad na gumawa ng pinakamabuting desisyon kung ano ang pinakabago sa agham ng medikal. Ngunit ang mga doktor ay nalalagay sa mahirap na sitwasyon, ang pumili ng paraan kung paanong «pamamahalaan ang kanilang pasyente» sa pamamagitan lamang ng kanilang karanasan at kwalipikasyon, at marahil ang mga pananaw at mga opinyon ng kapwa nila doktor. Hindi kayang pag-aralan ng doktor ang daang-libong bagong babasahin na taunang ipinalilimbag sa larangan ng kanilang pagsasanay kahit na limitahan pa nila ang sarili sa mga sekundaryong pinagkukunan: pagsisiyasat na ginawa sa Cochrain, meta-analyzes o ramdomized sa kontroladong klinikal na pagsisiyasat at mga paraan upang mapigilan ito. Tunay bang nais ng lahat ng mga doktor ang patuloy na matuto, mapanatili ang mataas na lebel ng pagiging propesyonal at tumulong sa pasyente sa pinakamabisang paraan?

Pangkalahatan laban sa Pansariling Pagsasanay.

Ang mga Pasyente ay makatatanggap ng tatlong uri ng reseta. Ang una ay di na nangangailangan ng sapat na ebidensya ng pagiging mabisa at ligtas, at naaayon na lamang sa sariling karanasan, paniniwala at pananaw ng doktor. Sa kasong ito, ang pasyente sa bawat pagkakataon ay tatanggap ng iba’t-ibang rekomendasyon mula sa maraming doktor. Ang ikalawa ay napatunayang mabisa at ayon sa mga resulta ay may mataas na kalidad ng pagsa-saliksik. Ito ay tinatawag na «medisinang naaayon sa ebidensya». Ang nakasanayang pagsasanay ay nabago na at pinagbubuti ng mga bagong impormasyon. Ang ikatlo ay ayon sa mga resultang may mataas na kalidad ng pagsasaliksik, ngunit isinasaalang-alang ang tiyak na katangian ng pasyente. Ito ay ang «pansariling medisina». Ang unang nabanggit ang pinaka pangkaraniwan sa lahat. Bihirang magamit o marinig ang tungkol sa ikalawa at ikatlong uri ng reseta.

Isang pasyente ay pinaghihintay ng ilang linggo para sa tulong medikal, babayaran ito, nang hindi man lang natitiyak ang kwalipikasyon ng doktor at kung makakakuha ng impormasyon mula sa medikal na talaan. Kaya pa ba itong mabago? At kailan?

Oo, at meron itong pitong dahilan para matanaw ang pagbabago:

  1. Ang kabuoang bilang ng gumagamit ng mobile phone sa mundo pagsapit ng 2018 ay tinatayang lalagpas sa 2.5 bilyon at higit kalahati ng lahat ng mobile phones ay magiging smartphones na magagamit sa internet at social networks.

  2. Ang mga tao ay nakatanggap na ng medikal na datos mula sa kanilang gadgets:

sinusukat ang tibok ng puso at presyon ng dugo, sinusulat ang electrocardiograms, ginagawa ang ultrasounds, sinusuri ang temperatura ng katawan, lebel ng asukal at oxygen sa dugo. Maraming sistema ng mobile para sa electroencephalography, spirometry, pagsukat ng intraocular pressure at pag-aaral ng emosyonal na kalagayan.

  1. Ang pinagsamang klinikal na medisina, agham ng kalusugan at malalaking kasangkapan gamit sa pamamahala ng mga datos ang magbibigay daan upang mapanatili ang kalusugan, pabagalin ang pagtanda para malunasan at maiwasan ang karamihan sa mga sakit.

Milyon sa mga pinakikinabangang artikulo at mga aklat ang nakaimbak gamit ang electronic. Kailangan nito ng malawak at mataas na kalidad na paggamit sa personal na impormasyon; impormasyong makasasagot tungkol sa kalusugan, nutrisyon, uri ng pamumuhay, tamang gamot, pag-inom ng supplementong pang-diyeta upang makaiwas sa sakit, pisikal na aktibidad, bakuna, pagbibigay lunas sa karamdaman, pagpapabuti ng buhay ng mga may matagal nang karamdaman at marami pang iba.

  1. Ang mga ito ay hindi matutupad kung wala ang modernong teknolohiya ng Artificial Intelligence (A.I.), Machine Learning (M.L.), Natural Language Processing (NLP), sapagkat wala sa mga pasyente o medikal na propesyonal ang may kakayanan upang pamahalaan ang napakalaking bilang ng medikal na impormasyon kasama na ang medikal na pananaliksik. Artificial Intelligence (A.I.) ay ginagamit sa pamamahala ng «matatalinong mga lungsod», pinansyal na sektor, produksyon, agrikultura at enerhiya. Ang sektor ng kalusugan ay hindi isinasan-tabi. Sa paglipas ng 10 taon, napakalaking pagbabago ang inaasahan sa pagpapabuti ng impormasyon ng teknolohiya at ang ka- nilang matagumpay na paglinang sa iba’t-ibang sangay ng gobyerno, mga kumpanya ng pagseguro, mga ospital, mga doktor, at indibidwal na pasyente.

  2. Nakauunawa ang mga tao tungkol sa dumaraming isyu ng kalusugan, sila ay interesado sa pag-iwas sa karamdaman o paghahanap ng lunas para sa kanilang sarili at mga mahal sa buhay. Habang nahaharap sa mga karamdaman, ang ilan sa kanila ay naghahanap ng maka-agham at tanyag na publikasyon sa internet, at susubukang gamitin ang mga impor-

masyong nahanap. Ang mga indibidwal ay maaari na ring maging sentro ng pagkalap at pag-aaral ng impormasyon ng kalusugan para sa sarili at kanilang pamilya. May kakayahan silang magdesisyon tungkol sa pagpili ng doktor, kasangguni, paraan ng pagtukoy at paglunas, ang angkop na oras para umpisahan at tapusin ang pangga- gamot. Kaya na nilang pamahalaan ang kanilang kalusugan at pamumuhay.

  1. May kakayahan ang Telemedicine, sa teorya, na pag-ugnayin ang pasyente at doktor, kliyente at mga kasangguni sa pangangalagang pangkalusugan gamit ang pandaigdigang network, mabilis at di alin- tana ang layo ng lokasyon. Subalit kung ang isyu sa kalusugan ay di nangangailangan ng agarang atensyon ay natanggap at nabigyan ng solusyon online, ang susunod na isyu ay ang tamang dami ng mga doktor at mga kasangguni na may mataas na kalidad. Ang mga doktor ay kadalasang nabibigo kahit mayroon nang pinaka- magandang sistemang pangkalusugan para

makapili ng pinakabago at mabisang lunas, sapagkat wala silang sapat na panahon para masundan ang mabilis na paglago ng medikal na pananaliksik. Ang pagkaantala sa paggamit ng medikal na datos ng pana- naliksik para sa klinikal na pagsasanay ay aabutin pa ng ilang dekada, ito ay kritikal sa maraming kondisyon tulad ng mga pasyen- teng may kanser. Ang kaalaman sa medikal na pananaliksik ay bihirang gamitin, ito ay nangangahulugan na ang mga pasyente ay napagkakaitan ng pagkakataon na ma- buhay ng mahaba at malusog. Napaka- raming pamamaraan sa paglunas ang naa- ayon sa ebidensya na may kakayahang pabagalin ang proseso ng likas na proseso sa pagtanda at pahabain ang mas malusog na buhay, subalit hindi ito ang resetang na- tatanggap ng mga pasyente dahil sa iner- siya sa sistema ng pangangalagang pang- kalusugan. Ang mga tao ay nahaharap sa mga isyung hindi naman sila kumportableng sabihin sa doktor tulad ng emosyonal na problema, pagbaba at pagpapanatili ng timbang, paggamit ng mga sangkap na nagpapabago sa sikolohikal na kalagayan o mga katanungan tungkol sa pagsiping. Ha- bang ang pagkonsulta sa medikal na pro- pesyonal ay mahalaga sa maraming pagka- kataon, ang makagamit ng pinaka napapa- nahong impormasyong pang-agham ay mas mainam kaysa sa mga napulot lamang sa internet.

  1. Ang teknolohiya ng Blockchain ay may kakayahang padaliin at gawing ligtas ang paggamit ng datos sa kalusugan. Gamit ang smartphones at computers, ang mga tao ay maayos na mapamamahalaan ang kanilang kalusugan: maisulat ang personal na datos medikal, makakuha ng pagsusuri at punuan ang mga pormularyo at aplikasyon, makapili ng doktor, makakuha ng konklusyon at makapagpatala ng oras na makapagtanong magkapagpakonsulta, makipagpalitan ng impormasyon, kusang loob na pagbibigay impormasyon sa isa o iba pang espesyalista at makapagtatag ng paraan ng pagbabayad o pagsusuri sa serbisyo gamit ang crypto-currencies. Ang lahat nang ito ay kayang gawing ligtas, hindi pinangangalanan, at may kahusayan.

Lahat tayo ay patuloy na humaharap sa problema na magagamit sa tamang oras ang pansariling (halimbawa: sumasalamin sa ating sariling katawan, pangyayari at ang impormasyon na kailangan natin) impormasyon kung paano panatilihin, palakasin ang kalusugan, kung paano makikilala ang isang karamdaman at kung paano ka gagaling, at upang gawin ang pinakamabisa at mura. Sa huli, ang mga katanungan natin ay kung paano mabuhay ng mas mahaba at mainam.

Ang proyekto ng eHealth First ang magbibigay daan sa lahat upang makamit ang pinaka napapanahon at pansariling impormasyon tungkol sa kanilang kalusugan ayon sa mga pinag-aralang datos ng indibidwal at may malawak na aklatan sa mundo ng pananaliksik para sa medikal na babasahin at konsiderasyon sa mga katangian ng lokal na sistema ng kalusugan.

Ang mga algorithmo sa pagsusuri, indibidwal na pagtukoy sa pinaka karaniwang sakit at personal na paglunas at mga plano sa pag-iwas sa sakit ay ilan lamang upang maipakilala ang kakayahan ng IT platform sa bawat gagamit nito.

At para sa mga propesyonal sa kalusugan, isang karagdagan, isinapampublikong solusyon sa otomatikong pag-aaral ng medikal na publikasyon ang malilikha.

Ang tuwid na impormasyon ay nasa tamang oras ang susi sa kalusugan at mahabang buhay.

KONSEPTO

Ang eHealth First ay isang IT-platform upang suportahan ang mga ginagawang desisyon sa larangan ng pamamahala ng kalusugan, pagpapahaba ng buhay, pagtukoy, pag-iwas at paglunas sa mga karaniwang karamdaman para sa mga hindi espesyalistang gumagamit, mga medikal na espesyalista at mananaliksik base sa teknolohiya ng blockchain, machine learning, pagsusuri sa natural na wika, neural networks, malaking datos, klinikal epidemiyolohiya, medisina ayon sa ebidensya at telemedicine.

Ang proyekto ay pinauunlad at pinatutupad ng makabagong IT platform para sa pagsusuri at mga napagbuting algoritmo upang mapanatili ang kalusugan at matukoy, malunasan at iwasan ang ilang mga karamdaman at mga kundisyon. Isang proyektong hindi pangkaraniwan.

Sa platform nakapaloob ang mga pinaka sensitibo at tiyak na napagtibay na kuwestiyonaryong maaaring nagtataglay ng mabisang pantukoy sa sakit sa kasalukuyan.

Isang malawak na napakasensitibong paraan ng pagtukoy sa sakit at pinaka mabisang pamamaraang medikal (dapat isaisip na kailangang linawin ang pagsusuri at mga reseta galing sa nag-aasikasong manggagamot), ganun din ang mga rekomendasyon sa ilang mga pamumuhay na naaayon sa ebidensya na dapat paghandaan gamit ang malikhaing platform na bukas na kaalaman sa medikal sa larangan ng pagtanda at pagpapahaba ng buhay.Ang bukas na platform ay pinauunlad gamit ang A.I. tulad ng mga paraan sa Natural Language Processing para sa patuloy na paglawak ng mga babasahin sa agham pang-medikal, machine learning, at neural networks. Bilang resulta, ang IT platform ay magpapababa sa antas ng pagiging makaluma sa kaalamang medikal.

Ang bukas at bakanteng bahagi ng platform ay magiging isang ontolohikal na network na pinalawig gamit ang semi-otomatikong paraan sa natural language at neural network processing (gamit ang paunang pamamagitan ng mga eksperto) na may paglahok ng mga kawani ng proyekto at boluntaryong kasapi na may otorisadong kwalipikasyon. Ang mapag-alaman at maisalarawan ang hinahanap na tugon sa mga katanungan sa isang matalinong pakikipag-ugnayan na madaling maunawaan ayon sa nilikha ng grupo sa proyekto ng ontolohiya na lalo pang magbibigay daan para sa paghahanap ng mga impormasyong pang-agham, at siyang magbubuklod at mangangalap ng bagong kaalamang pang-agham. Ito ang magiging isa sa pinaka unang sistemang bukas para sa malalimang proseso ng siyentipikong kasulatan na pang-medikal at kauna-unahan sa tulad nitong sistema sa larangan ng pagtanda at pananaliksik upang mapahaba ang buhay ng tao sa buong mundo.

ANG MERKADO

Ayon sa Digital Market Insight, ang pandaigdigang merkado para sa personal na produkto ng Digital Health (elektronikong mga kards sa medikal kards aplikasyon ng mobile) sa taong 2024 ay magiging 205 bilyon.

Walang kumplekadong sistema ng eksperto para sa mga pasyente, ito ay ginawang pansarili upang mailapat sa pamamahala ng kalusugan ng indibidwal at pamilya at paghaba ng buhay.

crypto.jpg

Ang eHealth First IT-platform ay lalo pang magbibigay kaalaman, gagawing madetalye at naaayon sa mga ebidensya ng medisina kumpara sa nakahandang serbisyo ng mga dalubhasa para sa mga taong nais makontrol ang kanilang kalusugan at proseso ng pagtanda, halimbawa:

• ang Inner-Age na isang bahagi ng pag-aaral sa paglilingkod ng Optimized Athlete Insidetracker (USA) na may tungkuling tumukoy ng mga kalagayan ay limitado;

• mga serbisyo para masuri ang biomarkers ng pagtanda sa Lupon ng Malulusog na Pagtanda sa kumpanyang Life Extension Foundation (USA) sa US; isang proyektong may malasakit sa mga nakakatanda sa kumpanyang Vitality Compas, Blue Zones (USA), na nagbibigay ng pangunahing pagsusuri upang matukoy ang kalagayan.

Kumpara sa klasikal na kaalaman sa sistema ng pag-alalay sa mga klinikal na desisyon na may mga kaalaman patungo sa medikal na mga organisasyon (halimbawa, produkto ng Meditech, Cerner Corporation, Athenahealth Inc. McKesson Corp., at Zynx Health Inc.), ang eHealth First platform ay magkakaroon ng lalo pang kakayanan para umangkop at tumutok sa pangangailangan at sa mga bagay na pinahahalagahan ng mga hindi ekspertong gumagamit (o isang medikal na dalubhasa na nangangailangan ng paunang impormasyon).

Ang sistema klinikal sa desisyong sinusuportahan ng hindi naaayon sa kaalaman ay kadalasang tumatakbo batay sa mga kasong pinag-aaralan gamit ang pamamaraan ng machine learning at kasalukuyang may limitadong paglapat sa pagtukoy at paglunas ng ilang sintomas o sakit. Dagdag pa sa mga nabanggit ang mga produktong nangunguna sa merkado, nariyan din ang serbisyo ng IBM Watson Oncology. Ang ganitong uri ng produkto ay hindi nakikipagtunggali pagdating sa inaasahang madla ng eHealth First. Ang sistema ng pag-alalay sa desisyon ng paglunas ay kadalasang nakapaloob sa pinagsamang CPCRs (Kaiser, Optum, atbp.) o kaya ay nakatutok sa tiyak na grupo ng pasyente at hindi kabilang sa modyul ng panlaban sa katandaan o mga pamamaraan sa AI (Grand Rounds Inc.).

Kasama sa pangpersonal na modyul ng IT-platform para sa mga dalubhasa ay ang Natural Language Processing ng mga babasahing medikal na pang-agham. Ang kalamangan nito kumpara sa Watson Analytic, Thomson Reuters, Enterra, Semantic Hub at ANDSystem at iba pa ay: pinabuting pakikinabang, ang paggamit ng AI at manu-manong algorithmo na binuo ng mga propesyonal sa kalusugan, pagtutuonan ng pansin ang serbisyo ng pagtukoy, pag-iwas at paglunas sa kaugnay sa edad at iba pang mga sakit, ang pagiging bukas ng aplikasyon, may malawak na kahandaan para magamit ng mga nananaliksik sa matalinong kakayanan nito, at ang kahandaan para maisama sa iba pang proyekto at mga grupo. Lahat ng ito ay dapat na magbigay-daan para mahikayat ang malawak na bilang ng mga dalubhasang may mataas na antas sa aplikasyon na ito. Ang grupong may malayang indibidwal ay makalilikha ng kanilang sariling mga modyul sa programa ayon sa platform.

Kabilang lamang sa bukas ngunit hindi-NLP na sinusuportahan ng platforms ay ang Digital Aging Atlas subalit ang pinagkukunang impormasyon ay luma na at hindi pa nababago hanggang sa kasalukuyan.

Ang komprehensibong pagrepaso sa merkado ng eHealth ay bahagi ng White Paper.

BUOD NG PROYEKTO

Kasama sa IT platform ang dalawang magkaugnay na produkto ng software.

Ang Personal Health Management Application (EHF Personal Health) ay isang web portal at aplikasyong mobile na pinagsama ang sistemang pang-eksperto na nagbibigay ng serbisyong pagpapayo sa porma ng B2C para sa hindi dalubhasang gumagamit, medikal na propesyonal at mga may potensyal para sa iba pang kategorya ng gumagamit kasama na din ang eksperto at may-ari ng mga negosyo. Kasali sa sistema ang pagkalap at pag-iimbak ng personal datos ng gumagamit at tutugon sa nakasanayang lehislatura sa larangan ng pag-iingat ng personal na datos. Ipinalalagay na ito ay imbakan ng ibat-ibang uri ng datos: sentralisado at desentralisado sa blockchain.

Ang kasangkapan sa pakikipag-ugnayan para sa gumagamit ay magbibigay-daan para makapagpatala sa sistema ang gumagamit habang kumakalap ng pinakamahalagang datos (kasarian, edad, atbp). Mayroon din sistema para sa electronic na pagbabayad para sa serbisyo sa pamamagitan ng electronic banking cards, bilihan ng aplikasyon na pang-mobile (Apple Store, Google Market, atbp) at iba pang paraan ng pagbabayad sa pamamagitan ng Internet (kasama ang sariling currency, ETH, BTC).

crypto.jpg

Matapos makapagpatala, ang gumagamit ay hihimukin na sumailalam sa mga pangunahing pagsusuri. Ang napaghandaang kuwestiyonaryo, pinagsama ayon sa prinsipyo ng medisinang naaayon sa ebidensya, binubuo ng mga katanungang tumutukoy sa pangunahing indikasyon ng kalusugan, kumakalap ng mga impormasyon para alamin ang kategorya ng gumagamit sa loob ng sistema, magtantya ng biyolohikong edad, ang talatuntunan ng kahinaan, at upang makapagbigay din ng pangunahing pagsusuri sa iba pang sistema ng katawan. Para sa pangunahing pagtukoy sa sakit, ang gumagamit ay hindi na kailangan pang sumagot gamit ang pamamaraang naaayon sa laboratoryo. Ibibigay ng gumagamit ang impormasyon tungkol sa mga resulta ng kanyang mga nakaraaang mga medikal pagsusulit kung kaya ang kuwestiyonaryo ay di na nangangailangan pa ng kahit anong edukasyong medikal. Matapos maipasa ang pangunahing pagsusuri, ang sistema, gamit ang algoritmo na pinaunlad sa kurso ng proyekto, ay gagawa ng listahan ng mga pangunahing mga rekomendasyon para sa gumagamit, at mag-aalok din ng karagdagang pagsusuri, kasama na ang paggamit sa espesyal na napagtibay na kuwestiyonaryo, mga pagsusuri sa laboratoryo at medikal na konsultasyon.

Para sa bawat espesyal na modyul sa pagtukoy ng sakit, isang hiwalay na algoritmo ang gagawin upang magbigay daan sa gumagamit na liwanagin ang panganib ng ilang nakakahawang kundisyon o sakit, at magbigay ng tiyak na rekomendasyon, kasama na ang karagdagang biochemical at ilang pag-aaral. Ang paggagamit sa mga modyul na ito ay inaasahang pababayaran. Kung ang gumagamit ay nag-umpisang gumawa ng modyul ngunit hindi nagkapagsagawa ng kinakailangang pagsisiyasat para masuri ang modyul, maaari niyang balikan na lang ito muli, matapos na makumpleto ang mga kailangang pagsisiyasat. Ang sistema ang gagawa para mai-save ang mga impormasyon ng gumagamit para sa bawat modyul ng pagsisiyasat upang muling mabalikan para maipagpatuloy ang pagkumpleto sa impormasyon sa panahong nais nya.

Sakop ng batayan para sa pansariling modyul, bibigyan ang gumagamit ng resulta sa ayos na madali nyang mauunawaan, kasama ang pagsukat ng panganib sa ilang uri ng sakit, rekomendasyon para sa pagbabago sa uri ng pamumuhay, impormasyong pangkaalaman, mga pagpapayo sa paggamit ng gamot, siyentipikong basehan ng mga gamot para sa nutrisyon at medikal na mga kagamitan.

Ang mga algoritmo ng sistema ay patuloy na pag-iibayuhin, isasaayos ayon sa pagbabago mula sa ikalawang modyul ng platform. Ang mga gumagamit ay mabibigyan ng pagkakataong masuri muli sa mabubuksang modyul at makatatanggap ng napapanahong mga rekomendasyon.

Ang aplikasyon upang suportahanan ang paggawa ng desisyon, personal na estratehiya para matukoy, maiwasan at malunasan ang mga sakit ng mga hindi dalubhasa na gumagamit at propesyonal ng kalusugan ay nabibilang sa:

• isang sistema ng eksperto para sa pangunahing diagnosis ng pinaka karaniwang karamdaman at kundisyon ayon sa automated na algorithmong nakamit gamit ang prinsipyo ng medisinang naaayon sa ebidensya. Ayon sa mga pagsusulit, magagawa ang mga rekomendasyon para sa pagsisiyasat sa laboratoryo at ang pagbisita sa medikal na dalubhasa upang linawin ang paunang pagsisiyasat;

• ang pinaka napapanahong impormasyon sa pagtukoy, pag-iwas at paglunas sa sakit, bisa ng gamot upang gumaling, mga kontraindikasyon, reaksyon ng katawan ng tao sa mga gamot, di-gaanong otomatikong paraan ng pagtatama na sumusunod sa mga bagong klinikal na alituntunin, sistematikong pananaliksik at meta-analyzes ay lilinangin gamit ang paraan ng NLP;

• talatuntunan ng biyolohikal na edad ng isang tao;

• talatuntunan ng panghihina;

• pangkalahatang modyul para sa pangunahing pag-iwas sa mga karamdaman kaugnay sa edad;

• mga modyul para sa mga taong may malubhang karamdaman (kasama na ang ilang may metabolic syndromes, pagtaas ng presyon ng dugo, sakit sa puso, ikalawang uri ng diyabetis, atbp.);

• espesyal na modyul para sa pasyenteng may kanser, na naglalayon na pabutihin ang kalidad ng kanilang buhay.

Ang bukas na IT platform para sa propesyonal ng kalusugan (EHF Biomed) ay may tungkuling lumikom ng datos at sistemang pag-iisipan sa larangan ng biomedicine at mga katulad na espesyalidad. Ang pangunahing elemento sa aplikasyon ay patuloy na pagyayamanin ang kaalaman ayon sa kaalaman ng proseso ng patolohikong pagtanda at bio-medical na pamamaraan para labanan ang katandaan. Ang kaalamang ito ay pag-iibayuhin sa di-gaanong otomatikong paraan na pinatatakbo sa hanay ng literatura (kasama ang Pubmed / Sistema ng MEDLINE) gamit ang natural language processing, machine learning at neural networks. Ang kaalamang ito, ipinakita sa anyo ng isang sistema ng pinabilis na impormasyon, ay magbibigay daan para sa paghahanap at mapag-aralan ang kaugnayan ng impormasyong pang-agham sa kahit anong biomedikal na usapan sa larangan ng pagpapahaba ng buhay.

Ang aplikasyon ay nagbibigay ng malawak na posibilidad sa paghanap ng impormasyon kasama ang paggamit ng talaguhitan sa resulting natural language processing para malaman ang ugnayan ng ilang termino at elemento sa kasulatan.

Sa tulong ng natural language processing, machine learning at neural networks sa medikal na mga talaan, isang paghahanap ang gagawin gamit ang magkasunod na importanteng salita kaugnay sa patolohikong pagtanda, na may kinalaman sa hudyat ng mga molekula, potensyal at aprubadong paraan sa pagsisiyasat at mga interbensyong medikal. Isang matalino, madaling maunawaan ang estraktura ng buod ng impormasyong pang-agham ang lubos na makababawas ng oras at magpapabuti ng katiyakan ng pang-agham na pananaliksik.

Makakamit nito ang pinaka modernong meta-analyses at sistematikong pagsasaliksik ng klinikal na pagsisiyasat (kasama ang pag-aaral sa Cochrane), pag-aaral sa mga pamamaraan ng pagtukoy, pag-iwas at paglunas sa mga proseso sa patolohikal na pagtanda at mga sakit kaugnay sa edad (inilalagay ang antas ng ebidensyang nakuha sa kilalang pamantayan sa daigdig), at sa kahit anong pagkakataon ay mabigyan ng permiso para mabuksan ang pinaka napapanahong medikal na kaalaman batay sa biogerontology at kaugnay sa edad na mga sakit.

Ang mga gumagamit ay makalilikha ng kanilang koleksyon ng mga materyales, at mapabilang sa mga tatanggap pag dumating ang bagong materyales na nabuo sa kategoryang hinahanap. Ang mga nagpatala ay makatatanggap ng regular na listahan ng mga hinahangad na materyales sa pamamagitan ng email at mga mensahero. Sa inisyal na bahagi, ang aplikasyon ay magbibigay ng ekspertong tagapamagitan, na syang pipili ng pinaka nararapat na datos, at isasaayos alinsunod sa pamantayan ng paglalahad ng mga datos para sa mga gumagamit. Ang teknikal na katangian ng ikalawang aplikasyon ay ang talatuntunan sa paghahanap ginawa gamit ang sistema ng Sphynx Search (o ang katumbas). Sa talatuntunan ng paghahanap ka mabilis na makasusumpong ng kahit anong kailangang impormasyon sa loob ng mapakalaking talaan.

Ang sistemang pinagsama sa teknolohiya ng blockchain, ganun din ang pagpapaunlad ng pangkalahatang porma sa pagtala ng pinagsamang datos mula sa biomedikal na pananaliksik.

MGA KALAGAYANG MAKIKINABANG

Ang mga malulusog na tao at mga pasyente ang gagamit ng EHF Apps at web-site:

para maisulat, makalap at makapag-imbak sa blockchain at sentralisadong pinaglalagakan na ginamitan ng enkripsiyon ang kumpletong personal na impormasyon kaugnay sa kalusugan, kasama ang klinikal na datos;
upang may maibahagi at makumpleto ang personal na impormasyon kaugnay sa kalusugan kasama ang klinikal na datos, ganun din ang mga kaanib (doktor, dalubhasa sa kalusugan, mga dalubhasa sa nutrisyon, dalubhasa sa sikolohiya, kamag-anak, atbp);
upang makuha ng pinaka mapakikinabangang resulta ng pansariling impormasyon kaugnay sa kalusugan at rekomendasyon base sa EBM na kailangan sa kahit anong oras (pag-iwas, pagtukoy at pagbibigay lunas sa mga karamdaman, pagkain, uri ng pamumuhay, aktibong pagpapahaba ng buhay, atbp);
upang pamahalaan,subay-bayan at pag-aralan ang kalagayan ng kalusugan;
upang magkaroon ng pagpaplano at maisagawa ang konsultasyon gamit ang telemedicine kung nanaisin ito;
upang nakahanap ng “ikalawang opinyon” tungkol sa kundisyon ng kalusugan at rekomendasyon ng mga propesyonal sa kalusugan;
upang makahanap ng pinakamahusay na lokal na mga ospital, klinika na outpatient at espesyalistang pangkalusugan para maisaayos ang personal na isyu kaugnay sa kalusugan.
Ang mga Nagbibigay ng Pangangalagang Pangkalusugan (doktor, at iba pang propesyonal sa kalusugan, ospital, klinika ng outpatient, dalubhasa sa sikolohiya, dalubhasa sa nutrisyon atbp.)

upang magkaroon ng makatotohanan, napapanahon at may kaugnayang impormasyon tungkol sa kalagayan ng kalusugan ng isang pasyente / kostomer, nang hindi sinasayang ang oras para muling matandaan ang mga naganap sa bawat unang konsultasyon;
upang makita ang klinikal na rekomendasyon gamit ang inbuild e-manuals (lokal na aprubadong tatak ng gamot, paraan ng pagsusuri, napagtibay na kuwestiyonaryo,atbp.);
upang nakapagbigay ng rekomendasyon sa isang pasyente / kliyente na gamitin ang in-build electronic na kuwestiyonaryo at ang kanilang resulta sa klinikal na pagsasanay.
upang maipabatid sa pasyente ang medikal na pagtatagpo sa pamamagitan ng Members Area;
upang magkaroon ng pagpaplano at maisagawa ang konsultasyon sa telemedicine kung nanaisin ito
upang maisulat, makapag-imbak at maibahagi sa mga gumagamit ng EHF Apps ang impormasyon tungkol sa panig ng propesyonal, edukasyon, kakayanan, karanasan, mga nakamit at mga detalye ng pakikipag-ugnayan;
upang maisaayos kung nanaisin ng pasyente ang online na medikal consiliums, imbitahan ang iba pang propesyonal sa kalusugan at mga nangangalaga sa kalusugan.
Mga Kasosyo ng EHF Project — Mga Tagapagsaayos ng Software ang gagamit ng EHF Apps at web-site:

upang paunlarin, ipalimbag, ipamahagi at ibenta ang sariling aplikasyon tungkol sa kalusugan sa pamamagitan ng EHF Marketplace.
Ang mga mananaliksik at ang pampublikong institusyon ang gagamit ng EHF Apps at web-site:

upang planuhin at bigyan ng kaganapan ang pag-aaral ng papulasyon (sa pagmamatyag at sa klinikal) sa EHF Platform (hindi personal na datos ng mga gumagamit, na nagbigay ng nararapat na permiso na gamitin para sa layunin ng pag-aaral lamang);
upang makakuha ng estadistikang impormasyon tungkol sa pampublikong kalusugan at pangangalaga (hindi personal na datos ng mga gumagamit na nagbigay ng karampatang permiso na gamitin para sa layuning ito lamang);
upang hanapin at alamin ang kanilang interes sa impormasyong naaayon sa ebidensya ng biomedikal.
Industriya ng pananaliksik at mga kumpanya ang gagamit ng EHF Apps at web-site:

upang planuhin at bigyan ng kaganapan ang pag-aaral ng papulasyon (sa pagmamatyag at sa klinikal) andPatient Support Programs (PSP) sa EHF Platform (hindi personal na datos ng mga gumagamit na nagbigay ng nararapat na permiso para magamit sa layunin ng pag-aaral lamang);
upang paunlarin, ipalimbag, ipamahagi at ibenta ang sariling produkto kaugnay sa aplikasyon ng kalusugang; (modyul) sa pamamagitan ng EHF Marketplace, kasama na ang suporta sa produkto ng kanilang hardware (mga sistema ng pagsusuri, kagamitan sa panggagaot, mga naisusuot, atbp.);
upang maipaalam sa mga gumagamit ang tungkol sa serbisyo at produkto;
upang hanapin at alamin ang kanilang interes sa impormasyong ayon sa ebidensya ng biomedikal
EKONOMIYA NG TOKEN

EHF tokens sa pangkalahatan: 100 000 000

EHF tokens ang ipagbibili sa Pre-ICO: AABOT SA 1 000 000

EHF tokens ang ipag-bibili sa ICO, Round 1: AABOT SA 25 000 000

inaasahan sa Crowdsale: PP, Pre-ICO, ICO (Round 1): 259 000 ETH

EHF tokens ang ipagbibili sa Pribadong Paglagak: AABOT SA TO 1 000 000

EHF tokens ang ipagbibili sa ICO: AABOT SA 85 000 000

Uri ng EHF Token: ERC20

soft cap PP, Pre-ICO, ICO: 8 000 ETH

Hingi na magkakaroon pa ng karagdagang produksyon ng EHF tokens matapos ang pagkakumpleto ng ICO.

Ang tokens ay lilikhain sa ERC20 smart contract.

EHF Tokens ay ipapamahagi sa mga namuhunan at ang Grupo at magiging handa para sa merkado ng cryptoexchange.

Sa kalaunan, bababa ang bilang ng tokens na maaaring magpataas ng presyo nito.

Ang mga humahawak ng EHF-token ay maaaring:

Magkakaroon ng kita mula sa puhunan kung sakaling lumaki ang presyo ng EHF token (operasyon ng crypto-exchange, direktang pagbili sa panahon ng pagbebenta);
Gamitin ito upang ipambayad at makatanggap ng karagdagang 30–50% diskwento sa pagbili ng kahit anong Serbisyo na pinaunlad sa ilalim ng EHF Project (Healthy Life, MedSearch) at ng mga Kasosyo sa Proyekto.
Gamitin ito upang ipambayad sa pagbili ng binibentang Mga Serbisyo na pinaunlad sa ilalim ng proyektong EHF (Health Life, Medsearch) at mga Kasosyo sa Proyekto.
Gamitin ito upang lumahok sa pagpapaunlad ng proyekto sa pamamagitan ng pagboto (katumbas ng bilang ng hawak na tokens)
Ipagpalit ito ng iba pang cryptocurrencies (BTC, BCC, ETC, atbp.) sa iba pang palitan ng cryptocurrency at para sa fiat currency (USD, EUR, JPU, CNY atbp.) sa mga estado, kung saan ang palitan nito ay ligal.

crypto.jpg

ANG AMING GRUPO

Dr. Nickolay Kryuchkov

(EBM, Biostatistics, Epidemiyolohiya, Klinikal na Pag-aaral, Pasulong na Pag-aaral ng Datos, Pampublikong Kalusugan, R&D ng Kumpanya ng Gamot, Pagpapaunlad ng Negosyo, Stratehikong Pagpaplano at Pamamahala ng Negosyo), Russia.

Prof. Arnold Mitnitsky

(Kumplikadong Sistema ng biomedikal na Hinubog sa Matematika, Sistema ng Biyolohiya para sa proseso ng pagtanda, Pasulong na Pagsusuri ng mga Datos), Canada.

Dr. Nick Guldemond

(Polisiya at Pamamahala sa Kalusugan, Klinikal Epidemiyolohiya, Pampublikong Polisiya, eHealth, Klinikal na Pag-aaral sa Sakit sa Utak, Klinikal na Pagtukoy sa Sakit, Mga Klinikal na Pag-aaral, Mga Pag-aaral sa Pagtanda at Pagpapahaba ng Buhay), sa Netherlands.

Dr. Daria Khaltourina

(Pamamahala ng Pampublikong Kalusugan, Medikal na Pag-aaral upang Maiwasan ang Sakit, Mga Pag-aaral sa Pagtanda at Pagpapahaba ng Buhay, Demograpiya), Russia.

Dr. Aubrey de Grey

(Biyomedikal Gerontology, Mga Pag-aaral sa Pagtanda at Pagpapahaba ng Buhay, Biotechnology, Pagpapaunlad ng Gamot, Promosyon sa Kalusugan), sa USA.

Dr. Denis Rysev

(Blockchain, mga pamilihan ng Cryptocurrency, Smart contracts, Machine Learning, Pagpapaunlad ng Software, Pagpapaunlad sa Aplikasyon ng Mobile, Pagdisenyo ng Laro), Russia.

Dr. Eray Ozkural

(Computer Science, Artificial Intelligence, Machine Learning, Desentralisadong mga Sistema, Pinakamataas na paglago ng computing), Turkey.

Dr. Edwina Rogers

(Patakaran sa Kalusugan at sa Panlipunang Seguridad, Mga Pag-aaral sa Pagpapahaba ng Buhay at Pagtanda, Pangunahing Pangangalaga, Mga Ugnayan at mga paraan upang Himukin ang Gobyerno,

Stratehikong Pagpaplano at Pagpapaunlad ng Negosyo, Medya at Pakikipag-ugnayan sa Publiko, Ligal at Regulasyon sa Pakikipag-ugnayan), sa USA.

Prof. Kalluri Subba Rao

(Klinikal na Pag-aaral ng Henetika, Mga Pag-aaral sa Pagtanda at Pagpapahaba ng Buhay, Biochemistry, Neurobiology, Biotechnology), India.

Prof. Sviatoslav Plavinsky

(Klinikal Epidemiyolohiya, Biostatistics, Makabagong Datos na Pang-agham, Mga Algorithmo sa Pagtukoy ng Karamdaman, Machine Learning, Mga usaping Ligal at Regulasyon sa Pakikipag-ugnayan), Russia.

Dr. Keith Comito

(Pagpapaunlad ng Software, Pagtaguyod sa Pagpapahaba ng Buhay, Adbokasiya sa Pagpapahaba ng Buhay, Medya at Pakikipag-uganayan sa Publiko, Artificial Intelligence, Bioinformatics), sa USA.

Dr. Artemy Malkov

(Stratehikong Pagpaplano at Pagpapaunlad ng Negosyo, Pagpapaunlad ng Software, Artificial Intelligence, Machine Learning at Natural Language Processing), Russia, sa USA.

Dr. Jao Pedro Magalhaes

(Pag-aaral sa Pagtanda at Pagpapahaba ng Buhay, Pag-aaral tungkol sa Henetika at Genomics, Pagpapagaling at Pagpigil sa mga karamdaman na Napagtibay na may Kaugnayan sa Edad, Pagsulong ng Teknolohiya, Transhumanism), Portugal, sa UK.

Prof. Victor Solntsev

(Pamamahala ng Pananalapi, Mga Plano sa Negosyo, Pagbibigay ng Propesyonal na Pagsasanay, Pamamahala sa Proyekto, Pagtantya sa Panganib, Stratehiya sa Pamumuhunan, Pagpapaunlad ng Negosyo), Russia.

Dr. Paul Spiegel

(Abogado, Pangkalahatang Tagapagtanggol sa mga Serbisyo para sa biotechnology at Industriya ng IT, Nagsasaayos ng mga nagsisimulang negosyo, Nagbibigay ng propesyonal na pagpapayo sa pandaigdigang negosyo, May pagsasanay sa intellectual property para sa lokal at internasyonal, paglalathala, paggawad ng lisensya, pelikula, telebisyon, teatro, produksyon ng sining at mga pangyayari), sa USA.

Dr. Artem Gil

(Epidemiyolohiya, Biostatistics, Pampublikong Kalusugan, Medisina Ayon sa Ebidensya, Mga Klinikal Pag-aaral Pagmamasid, Medikal na Pag-iwas, Algorithmo sa Pagtukoy ng Kalagayan), Russia.

Dr Mihai Manolache

(Biostatistics, Klinikal na Pagsasanay, Mga Pag-aaral sa Pagmamasid at mga Programa sa Pagtulong sa Pasyente, Pagpapaunlad ng Negosyo, Stratehikong Pagpaplano at Pagpapaunlad ng Negosyo), Romania, Switzerland.

Dr. Oliver Medvedik

(Biomedical Engineering, Pag-aaral sa Pagtanda at Pagpapahaba ng Buhay, Biyolohiya ng Selula at Molekula, Henetika, Biochemistry, Adbokasiya sa Pagpapahaba ng Buhay), sa USA.

Dr. Sergey Baryshev

(Pagpapaunlad ng Software, Malaking Datos, Proteksyon ng Datos at Seguridad, Mga Aplikasyon sa Mobile, SaaS, Sistema sa Pamamahala ng Klinikal na Pagsasanay), Russia

Tignan ang lahat ng detalye at iba pang mga Miyembro ng Grupo sa Proyekto ng EHF website www.ehfirst.io at sa White Paper (parating sa kalagitnaan ng Enero 2018).

crypto.jpg

Mahal na mga Kasosyo,

Ang Brochure na ito ay Buod ng eHealth First Project at hindi ginawa bilang pamalit sa White Paper.

Kung nais ninyong bumili ng tokens sa yugto ng Pribadong Paglagak (Disyembre 1, 2017 — Pebrero 17, 2018, 10 ETH o higit pa o 0.5 BTC o higit pa, nababagay na kondisyon, pinakamalaking bonus), mangyari po lamang na gamitin ang mga pormularyo sa website ng Proyektong www.ehfirst.io o kaya ay ipadala ang kahilingan sa pamamagitan ng email [email protected].

Mangyari lamang na sumulat din sa [email protected].

Maraming salamat sa paglahok sa eHealth First Project!

Sumasainyo,

Grupo ng eHealth First

MAKIPAG-UGNAYAN

Sumali sa amin:

www.ehfirst.io

Facebook: @ehfirst
Twitter: @eh_first
Medium: @ehfirst
Telegram Chanel: @ehfirst
Telegram Group: @ehfirstgroup
Steemit: @ehfirst
Golos: @ehfirst
Slack: @ehfirst

Marami pang darating na babasahin

Sumulat sa amin:

Bumili ng EHF tokens:

[email protected]

Espesyal na kundisyon para sa namumuhunan sa panahon ng Pribadong Paglagak at Pre-ICO

Sumali sa Grupo ng Proyekto: [email protected]

Medya / Mga Balita: [email protected]

Sumali sa Programa sa Pabuya: [email protected]

Magtanong o magbigay ng alok: [email protected]

Read / download Filipino Brochure (in PDF): https://github.com/elegant-joylin/eHealth-First/

Mga karagdagang impormasyon tungkol sa eHealth First :

Official website: http://www.ehfirst.io/
Whitepaper: https://drive.google.com/file/d/11xXX6P2t0Fd6eE9kbXw2e_bRw0pBojiN/view
Bitcointalk ANN: https://bitcointalk.org/index.php?topic=2577450

Official channels at social media:

Facebook: https://www.facebook.com/ehfirst/
Twitter: https://twitter.com/eh_first
Steemit: https://steemit.com/@ehfirst
Golos: https://golos.io/@ehfirst
Medium: https://medium.com/@ehfirst
Telegram channel: https://t.me/ehfirst
Telegram Group: https://t.me/ehfirstgroup

Disclaimer: I only express my own opinions, views, insights and research. Risk is always part of any investment vehicle. So I advised that you should also do your part to understand it before investing and always managed the risk involve in order to maximize your returns.

Acknowledgement: I’m very thankful to the Lord for all the blessings and challenges he has given me. I would also like to thank my family, friends, critics, fellow investors at all other people who help me finish this project.

Happy Investing!

Source: eHealth First

Follow me at

Twitter: https://twitter.com/Elegant_Joylin
Facebook: https://www.facebook.com/joylin.elegant
Linkedin: https://www.linkedin.com/in/joylin-telagen-cpa-csr-9a40967a/
Reddit: https://www.reddit.com/user/elegant_joylin/
Steemit: https://steemit.com/@elegant-joylin
Medium: https://medium.com/@Elegant_Joylin
Youtube:https://www.youtube.com/channel/UCyEjQaPyUS8iMwX3lIZ9niw?view_as=subscriber
Github: https://github.com/elegant-joylin
Telegram username: https://t.me/elegant_joylin
Bitcointalk username: elegant_joylin
Bitcointalk profile link: https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=917890

Comments and suggestions are also welcome.

Sort:  

Coins mentioned in post:

CoinPrice (USD)📈 24h📈 7d
BCCBitConnect4.177$3.56%88.03%
BTCBitcoin10153.900$4.17%25.44%
ETCEthereum Classic33.670$-1.63%50.05%
ETHEthereum938.208$0.05%16.0%
GOLOSGolos0.163$1.31%22.36%

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 62702.02
ETH 2572.25
USDT 1.00
SBD 2.75