Paano Ba Malulunasan Ang Katarata?
Lumalabo na ba ang iyong mga mata? Gusto mo bang luminaw ulit ito ?
Kung Oo ang sagot mo, basahin mo ng mabuti ang article nato..
Gaya ng pag iingat natin sa ating sarili, Ingatan din natin ang ating mga mata.
Puwede rin kasi itong masira lalo na kapag tayo ay naging pabaya.
Para makaiwas ka sa mga seryosong sakit sa mata tulad ng glaucoma, diabetic katarata at kung ano ano pa..
Please Sundin mo ang 9 STEPS na ituturo ko sayo ngayon para mas lalong maging healthy ang iyong mga mata..
Ano ano ba ang 9 STEPS na ito ?
- Kumain ng pagkaing mabuti sa mata.
Ang maberdeng gulay tulad ng kangkong, broccoli, camote tops (talbos) at spinach, ay nagpapalinaw ng ating paningin. Siyempre ang mapupulang karot, kalabasa at kamatis (3 K’s) ay may taglay na vitamin A para sa mata. Ang dilaw na pakwan ay may sangkap na lutein na kailangan din ng mata. Ang pagkain ng matatabang isda tulad ng tuna, tamban at tanigi (3 T’s) ay mahalaga rin.
- Magsuot ng sunglass.
Bukod sa pagiging sosyal at “in,” pinoprotektahan ng sunglass ang ating mata laban sa masasamang ultraviolet rays ng araw. Ang ultraviolet rays (UV rays) ay puwedeng “makasunog” sa looban ng ating mata (ang retina). Bumili ng sunglass na may markang UV-A at UV-B protection.
- Mag-ehersisyo.
Alam ba ninyo na ang 30 minutos na ehersisyo ay puwedeng magpababa ng pressure ng mata? Ang paghinga ng malalim at pag-relaks ay makatutulong din sa sakit na glaucoma, kung saan mataas ang pressure ng mata.
- Mag-ingat sa paglalaro ng mga sports.
Puwedeng magsuot ng espesyal na protection eyeglasses, na nabibili sa mga sports shops. Gawa ito sa polycarbonate, isang uri ng matigas na plastic. Nakita mo ba ang mga NBA players na may suot ng salamin? Ito’y para protektahan ang kanilang mata.
- Maghugas maigi ng kamay bago humawak sa mata.
Para makaiwas sa sore eyes, maghugas palagi ng kamay. Huwag ding basta-bastang magkamot o punasan ang mata. Gumamit ng panyo o tissue.
- Ipahinga ang mata.
Puwede mong ipikit ang mata habang ika’y nakasakay sa kotse o kaya ay may kinakausap sa telepono. Matulog din ng 7-8 oras.
Wag masyado tumutok sa celphone, desktop, laptop, TV etc.. Bigyan mo ng limit ang iyong sarili.
Mag hilamos bago matulog pero pag sobrang pagod na ng mata lalo pag puyat na puyat , mas mainam na wag ka na mag hilamos, gumamit ka nalang ng mga facial cleanser or facial mask pero wag mo patatamaan ang iyong mga mata kapag naglagay or nagpahid ka.
Wag ka rin agad mag hihilamos pag gising sa umaga, make sure nakapahinga ka muna ng 15 minutes, mula sa pag bangon mo sa higaan bago ka mag hilamos.
- Ipa-check ang iyong blood sugar.
Kung ika’y may diabetes, malaki ang tsansang magkaroon ng diabetic eye disease. Siguraduhin mababa ang iyong blood sugar sa pamamagitan ng ehersisyo at gamot.
- Umiwas sa nakasisilaw na bagay.
Huwag tumitig sa araw at ma-liwanag na ilaw. Ito ang pinakamahalagang payo para hindi masira ang ating mata. Subukan ding diliman ang ating computer screen at telebisyon para hindi tayo masilaw.
- Uminom ng Food Supplements na mayaman sa Vitamins & Minerals.
On our modern era, sobrang nahihirapan tayong maiwasan ang mga pollutions, radiation, toxic, chemicals, sunlight exposure, foods preservatives etc. , at ang lahat ng ito ay posible mag cause ng mga sakit gaya ng cancer, diabetes, highblood, sakit sa puso, panlalabo ng mata at ng kung ano ano pa ..
At sa pag gamit mo ng foods supplements maaring ma-control ang mga ito, dahil sa food supplements lamang makukuha ang Vitamins & Minerals na HINDI nakukuha or nakakain sa mga pagkain ng ISANG kainan lang.
Sa Food supplements makukuha mo rin ang ANTI-OXIDANTS & DETOXIFIER, itong dalwang substance na ito ang magpa-Flush out ng mga toxic and chemicals sayong katawan nang sa ganun ay gumaling ka sa iyong karamdaman at manumbalik muli ang linaw ng iyong mga mata.