"Medalya"

in #gratefulvibes8 years ago

FB_IMG_1518348840722.jpg

Top student ako with honors and awards simula Grade 1 hanggang Grade 6. Pero hindi ko maintindihan kung bakit nagpapagalingan ang mga magulang ng mga kaklase ko para sa kanilang mga anak. Pati mga teachers namimili at nabibili kung sino ang gagawin nyang top 1 o valedictorian sa klase namin.

Naalala ko, sobrang saya ng parents ko dahil sinabi kong kasali ako sa mga honor students hindi ko lang alam ano rank ko dahil sabi ni titser surprise daw.Nung panahon ko gang 10th honors lang ang kinukuha every room..Muntik pkong kurutin ng nanay ko nun sa singit kasi 10 na ang natatawag wala pa rin ako..yun pla tie kmi sa 10th place ng pinsan ko.Ngunit sa ewan kong kadahilan sa kbila ng lahat ako pa rin ang pinag narrate ng speech on stage. Ang galing ng pagkakadeliver ko sa speech na ginawa ni titser para skin.Napa-wow ng matindi ang mga teachers at napataas ang kilay ng ibang magulang sa pagbigkas ko ng mga salita in American accent.

Nung naghighscool ako,from 1st year to 2nd year lagi akong top 1 from first to 3rd quarter. Pero pagdating ng 4th quarter, laging naaagaw sa akin ang trono. Basta ang naaalala ko binubulungan ng parents ng top 2 classmate ko ang adviser namin halos araw-araw ng buong 4th quarter. BFFs sila kumbaga. Kaya siguro naging top 1 sya at top 2 lang ako pagdating sa 4th quarter

Ganunpaman, nasa top ulit ako ng klase namin nun. Naging paborito nga ako ng adviser ko at ibang teachers dahil magaling daw ako sa English, Pilipino, Home Economics, Values Education, P.E., Arts, Music lalong lalo na sa Math.alive na alive pag yan na ang subject nmin. Yun nga lang, bopols talaga ako sa Science ,Sibika at Kultura.

Naalala kopa nun.3rd year highscool ako ng mawalan ng gana sa pag aaral...kasi ba naman ang adviser ko nun nuknukan ng sungit..pkiramdam ko khit tama ako mamaliin nya ko maipakita lng nyang sya lagi ang tama.taklesa kasi ako..pag sa tingin ko mali ang tinuturo nya smin inienterrupt ko tlaga sya..binigyan ako ng line of 7 sa first grading period nmin nun kaya ang nangyri..hirap na hirap akong humabol na masama sa mga top students..
Parang nadepressed ako..sya lang ang namumukod tangi na mababa ang grades na binibigay sakin.Parang nadepressed ako nun sa knya.natapos ako third year na mababa ang nging ranking ko dahil sa pagdown nya skin pero nakahabol pa rin nmn ako .

Basta yun, nawalan ako ng gana na magpursige na maging mataas ang mga grades. Basta para sa akin pag-aaralan ko ang sa palagay ko na kailangan kong matutunan para pagtanda ko pangarap ko nun magbubuhay donya at donyo na ang mga magulang ko.

Fast forward to college...hindi nga pla ako nakapag collage..kasi ba naman 7 kaming magkakapatid sabay sabay nag aaral..kulang sa pinansyal..gusto ko sana sisihin ang nanay ko bkit di ako nakapagcollage e..kasi ba naman inalok nko ng tita ko nun sa study now pay later na skul na pag aari nila..kapalit na mamasukan ako sa knila.heto na..nag exam nko pumasa naman..pasukan na..kailangn daw ako na muna magprovide ng skul uniform ko.350 isang pair..sabi ng nanay ko anak wala tayo pera e ..
So to make the long story hindi na ako bumalik pa ulit kasi wala nga ako uniform..kakalungkot diba?
Gang sa hindi nko nakapag aral sa kolehiyo.
Inggit na inggit ako nun..lahat ng kaibigan ko ,mga pinsan ko nag aaral..nakasuot ng magagandang uniform..ang sososyal tingnan..yung iba sa maynila pa nagcollage..pero talagang ganun ang buhay.tanggapin ko nlng.
Ang bata bata kopa,namasukan nko.naghanapbuhay nko kasi nga sa dami nming magkakapatid kailangan nming tulungan nanay at tatay nmin.

Ilang pabrika lang ang napasukan ko.Pero lahat halos tinatagalan ko.at hindi sa pagyayabang..mabilis ako mapromote kahit highscool graduate lng ako.

Sa awa ng Diyos at tulong ng Maykapal..sa ngayon maganda npo ang kinalalagyan ko..kahit hindi ako nkapagkolehiyo..pinagkatiwalaan ako ng amo kong humawak sa kumpanya nya..at ngayon tuluyan na nyang ipinagkaloob sakin ang negosyo nya.Sadyang mabuti ang Panginoon..marami syang kinakasangkapang tao upang tulungan akong makaahon sa pagkakalugmok.

Ang haba na ng istorya ko pero hindi mo pa rin alam kung san patutungo itong usapang ito. Ako nga hindi ko din alam eh.

Pero ito lang siguro ang bottomline. Wag ka masyadong attached sa mga honors at awards at titulo na matatanggap mo o ng mga anak mo. Ialay mo lang lahat ng yan sa Dios. Wala kang dapat ipagmalaki kundi ang Pagmamahal Niya sa yo.

Huwag mo din itulak at i-pressure ang anak mo na makakuha ng matataas ng marka. O nang madaming awards. Kung wala syang awards na nakukuha, wag mong sisihin ang anak mo. Wag mong isiping tanga sya. Masyado ka lang assuming. Pagmalaki mo sya kahit sya ang pinakamababa ang grado sa kanyang klase. Maniwala ka man o hindi, magugulat ka na lang isang araw sa mga bagay na kaya nilang gawin.

Oo,masarap sa pakiramdam bilang magulang na makaakyat sa entablado . Pero katulad ng lagi kong sinasabi, mas mahalaga na palakihin sila sa mabuting asal at pag uugali.Turuan sila ng tamang pagpapakumbaba gaano man kalaki ang karangalan na kanilang natatamo.

Tandaan ntin,at sinasabi ko ulit,;
Magpakumbaba ka dahil ni Minsan hindi nagyabang ang Taong nilagyan ng titulong "INRI" sa ulunan ng Kanyang pinagpakuan.

#LentenThoughts
#Congrats Anak
#GagraduateKAnaPala
#SalamatsaDiyos

Sort:  

Wow..! Ang galing nman po ng story nyo..
You're an inspiration..
Congrats po sa inyo.
Good luck and Godbless..

This post has received a 0.06 % upvote from @drotto thanks to: @banjo.

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by lhey18 from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.05
TRX 0.33
JST 0.080
BTC 62600.41
ETH 1629.61
USDT 1.00
SBD 0.40