Hanggang Sa Muli

in #goodbye7 years ago

#WalangHanggangTulaParaKayLi

Nakatingin sa ulap habang ngiti mo ang siyang naglalaro sa aking balintataw;
Nilalanghap hangin na dala ng bagong umaga, sinasariwa mga araw na ikaw ay kasama...
Ang huni ng ibon wari ba'y sing tamis ng halakhak mong minsanan lang marinig...
Sa haplos ng hangin ninanamnam yakap mong mahigpit...
Sa mukha ng mga batang dumaraan inaaninag ang iyong alaala na tanging kaligayahan ang siyang dala...
Nakakalungkot ang iyong paglisan,
subalit araw araw at walang hanggang aming pinasasalamatan,
na sa kagya't na sandali ikaw sa amin ay pinahiram,
isang anghel dito sa lupa na walang katulad...
Langga, sa bago mong buhay ikaw ay magsaya;
kaming iyong naiwan ay wag kang mag alala;
sisikaping mamuhay ng naaayon sa nais ng may likha;
sa gayon pag oras ay dumating na tayo ay muling magsama
at ituloy natin naudlot na ligaya

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.029
BTC 66996.66
ETH 3235.91
USDT 1.00
SBD 2.63