Awkward moments kasama ang pamilya ni tropa!

in #funny6 years ago (edited)

Ito yung mga oras na gusto mo nalang bigla maglaho sa mundo. Maging kasing liit ng langgam sa pwesto mo para makaalis at makapagtago. Nakakapanglambot ng tuhod yung awkwardness at malagay sa mga tipo ng pagkakataong gaya ng mga ito!

1.Yung dinaanan mo si tropa sa kanila para ipaalala yung lakad niyo, pero biglang pinatay yung wifi.


pinterest.com

2.Crush ka nung kapatid ni pards. Pero hindi mo alam kung totoo ba o pinagtitripan ka lang niya.


giphy.com

3.Tinanong ka ng Mama niya kung may GF na ba si bessy kasi may nakitang condom sa bag niya.

mtv.co.uk

San ka nakarelate, sa pinagtanungan o dun sa nahulihan?

4.Nasa bahay ka nila sabay nag-CR ka. Ayun, bigla na siyang niratratan ng tatay niya at sinabing puro bulakbol at barkada ang inaatupag kaya nahahawa na sa mga kaibigan na utak pulpol. Ang malala nito humaba ang sermon ni padir kaya nagkulong kana lang sa CR.


tenor.com

Gusto mo nalang maging tae para i-flush mo sarili mo sa inodoro. Makalabas ka lang sa bahay nila!

5.Party people kaya sa bahay nila, kasi umuwi daw ng probinsiya ang mga kapamilya, at yung moment na ikaw ang nag-iingay. Bigla silang dumating dumating, sa huli kasalanan mo na… Dahil ikaw daw ang may birthday.


lifewithlolo.com

monkeypattycake.png

Sort:  

Hahah hindi naganap lahat yan sa akin pero nakakatawa kung mangyayari sa iba. Masasabi mo nalang "lupa lamunin mo na ako!"

hehehe nakakatuwa naman.

Congratulations @monkeypattycake! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the total payout received

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

Loading...

LOL. Naaliw ako sobra. Thanks!

Coin Marketplace

STEEM 0.35
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 71539.00
ETH 3603.23
USDT 1.00
SBD 4.75