Luto Ni Cris - Ginisang Monggo

in #food6 years ago

Hello po mga kaibigan! Kumusta na po kayo? Tanghalian na dito sa Pinas! At kanina nag- iisip ako kung ano ang masarap na ihahanda.

Haha! Pumunta akong palengke matapos kong maligo, kasama ang aking napaka-kulit na anak. Habang naglilibot- libot sa palengke, nakita ko ang Monggo! At biglang naisip ko na monggo na lang ang lulutuin ko. Hehe!

Umuwi kami ng aking anak, dala-dala ang mga rekado na binili namin. Inihanda ang mga gagamitin, hiniwa ang mga gulay at mga pang- gisa. Simple lamang ang monggo na aking niluto. Ni wala ngang sinahog na karne o isda. Hehe! Medyo nagtitipid ako pero sulit naman ang nailuto kong ulam.

Ito nga pala yong mga naihanda ko bago ko sila ginisa.

37629974_2029242333801882_2445922607363522560_n.jpg

Gusto ko sanang ibahagi kong paano ko siya niluto. Inaamin ko na ako po ay nagpa-practice pa lamang sa pagluluto at alam kong madami pa akong matutunan. Hehe.

Ito ang mga Ingredients ng Ginisang Monggo:

  • Monggo
  • mantika
  • Sibuyas
  • Bawang
  • Sari- saring gulay (Kalabasa at talong lamang ang aking inihalo)
  • Halugbati

Ito na marahil ang gulay na isa sa pinaka-murang mailuluto ngunit napaka-sustansya at mainam sa ating katawan.

Una ko pong ginawa ay syempre nilaga ko po muna yong ating monggo, at kapag sa tingin po natin na ang ating monggo ay luto na, itinabi ko po ito. Hiniwalay ko po ang sabaw ng monggo, pero wag pong itatapon, dahil gagamitin po natin iyon sa paglalagay ng sabaw mamaya.

Sunod kong ginawa ay isinalang ko ang ating kawali, saka pag mainit na ito ay saka ko binuhusan ng mantika.
Pag- mainit na ang mantika, saka ko ginisa ang ating sibuyas at bawang.
Saka ko nilagay ang monggo. Sunod inihalo ko na rin ang ating gulay tulad ng Kalabasa at Talong.

Sa totoo lang dapat nilalagyan pa nga ito ng ampalaya, sitaw eh. Kaya lang nakalimutan ko hahaha! Pati nga kamatis at luya eh, haha! Pero okay naman ang naging resulta ng niluto kong ulam. Hehehe!

Pagkatapos nilang magisang lahat, inilagay ko sila sa isang kaldero kung saan naroon ang sabaw na itinabi ko kanina, tapos dinagdagan ko ng kaunting tubig at saka tinimplahan ng pampalasa. (Asin at Vetsin)

Matapos itong gawin, ay hinintay kong lumambot ang mga gulay, saka ilulunod ang halugbati :)

At yon nga, matapos maluto dali-dali kong kinuha ito sa lutuan saka kumuha at inihanda sa isang bowl, kasi nga gutom na gutom na ako. Akalain mong alas- dose na pala hindi pa ako nakakapagluto ? EH pano po kasi naaaliw ako sa ginagawa kong paggantsilyo. Hehe! Ang sarap ng kain ko kahit na walang sahog na karne at isda. At dahil dyan, ni hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makunan ng litrato ang naluto kong ulam! Hahahah! Palpak.......

Pero babawi ako sa susunod kong post. Sisiguraduhin kong mayroon na akong Finished product ng niluto ko. Hindi po talaga ako ganoon kagaling magluto pero my chance daw pag pinursige ko. Hehe! Kailangan kong matuto kasi ako'y isang ina na dapat ipaghanda ang aking asawa at anak ng makakain.,

Laging Tandaan: Mahal man o mura ang ating mga inihahanda sa ating pamilya ang importante ay masisiguro natin na masusustansya ito para sa ating pangangatawan. Siguraduhin din na lagyan ng pinakamahalagang sangkap ang ating niluluto, yon ay ang PAGMAMAHAL.

28058695_1938802442797169_8994975818706150523_n.jpg

Sort:  

Ang blog pong ito ay napili ng @likhang-filipino dahil sa napakainam na mensaheng hatid nito. Ito po ay aming itatampok sa arawang edisyon ng Likhang Filipino sa Steemit. Kayo po ay makatatanggap ng reward mula sa blog ng @likhang-filipino akawnt bilang benepesyaryo ng pay out. Ipagpatuloy po natin ang paglikha ng mga akda sa wikang Filipino. Maaari rin po ninyong gamitin ang tag na "likhang-filipino" para sa susunod ninyong akda sa sarili nating wika.

Marami pong Salamat


Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.12
JST 0.030
BTC 70976.53
ETH 3850.58
USDT 1.00
SBD 3.48