Kusina ni Nanay Romeskie | Sinigang na Baboy

in #food6 years ago (edited)

Tapos na ang pananghalian. Ano ang inulam niyo? Medyo sumungaw na ang haring araw pero maulan ulan pa rin nang bahagya dito sa aming lugar kaya naman medyo malamig pa rin ang panahon. Kagabi ay naghapunan kami ng arroz caldo. Ngayong tanghali ay napag-isipan kong magluto ng masabaw na ulam. At bilang natatakam ako sa maasim, ang tanghalian ngayon ay Pork Sinigang. Maasim, magulay, malinamnam! Yum! Yum! Yum!

image

Sa mga nakakakilala sa akin, hindi naman ako talaga magaling magluto. Pero matakaw ako at kuripot kaya imbes na bumili na lang ng lutong ulam, nag-aral na lamang akong magluto. At ang Kusina ni Nanay Romeskie ay binuksan kong muli para makapagbahagi rin ako ng mga natutunan ko.

Simulan na natin ang ang pagluluto.

Mga sangkap

  1. Baboy
    Konting taba lang dahil hindi ako kumakain ng taba. Hiwain nang katamtamang laki.

image

  1. Labanos
    Balatan nang manipis at hiwain nang pa-diagonal

  2. Talong
    Hiwain nang kapareho ng labanos

image

  1. Okra
    Mas maganda kung maliliit na okra lang ang bilhin para hindi na kailangang hiwain.

image
TIP:
Tanggalan lang ng galat ang pinakadulo ng okra para hindi masyadong lumabas ang likido sa loob nito

image

  1. Kangkong
    Ihiwalay ang dahon at hiwain nang maiiksi ang tangkay.
    TIP:
    Huwag isama ang pinakadulong parte ng tangkay ng kangkong dahil medyo matigas na ito kainin.

  2. Siling pansigang
    Hindi ito kailangang hiwain. Hugasan lamang at ihahalo iyon sa bandang huli ng pagluluto

image

  1. Sibuyas
    Hiwain nang pahaba
    image

  2. Sinigang mix
    Kapag sinisipag ako ay nagpapakulo talaga ako ng sampalok pero dahil kinulang ako ng sipag ngayon, bumili na lang ako ng sinigang sa sampaloc mix

  3. Malunggay powder
    Para healthy ang pagkain
    TRIVIA:
    Alam niyo ba na ang malunggay ay tinuturing na wonder gulay dahil sa dami ng nutrients na meron ito? Kung alam niyo na, edi olrayt!

Paraan ng pagluluto

  1. Sa caserola, maglagay ng 8 - 10 tasang tubig

  2. Ilagay ang baboy at ang sibuyas. Pakuluin.
    TIP:

    • may kasabihan ang mga matatanda na maglagay daw ng tinidor sa ilalim ng caserola para mas madali raw lumambot ang baboy. Nasa sa jnyo kung susundin mo ito. Hindi ko ito ginagawa pero ang kapatid ko'y sinusunod ito.
    • pakuluin ang baboy sa mababang apoy para marahan lamang ang pagkakaluto nito
  3. Kapag malambot na ang baboy, ihalo na ang sinigang mix.

  4. Ilagay ang labanos.

  5. Maghintay nang ilang minuto bago isunod ang talong. Dapat ay malambot-lambot na nang bahagya ang labanos bago mo ilagay ang talong para hindi ma-overcook ang talong.

  6. Isunod agad ang okra. Hindi natin dapat patagalin ang pagluto ng okra at talong dahil madudurog ito kalaunan.

  7. Huling ilagay na ang kangkong at siling pangsigang.

Lagyan ng asin o patis ayon sa panlasa

Et voila! Ayan na po ang ating pork sinigang na malinamnam!

Kulang na ang tumitikim sa luto ko kaya hindi na masyadong masaya kapag ilalagay ko pa ang verdict ng mga tagatikim ko. Pero para sa kaalaman ng lahat, maraming nakain si Aya at si Tatay Ritsard naman ay natuwa rin naman.

image

Maasim na sabaw na ihahalo sa mainit na kanin! Napakalinamnam! Kain po tayo! Ubusin ang gulay kung ayaw niyong magalit ang Nanay!


Maraming salamat sa pagbabasa!


Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan


Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord


2123526103.gif

QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg

romeskie.png

Sort:  

Ate rome baket? Baket ganito kasarap yung post mo?? Haha 🤤🤤🤤

Posted using Partiko iOS

haha. Tara, kain tayo. :-)

Natakam ako dito, Rome. Pero na-miss ko yun "judge's comment" haha. Gayunpaman, panalo pa rin ang post mo :)

Kain tayo @jazzhero. Sa sunod kong luto, ikukuwento ko na uli ang mga komento ng aking mga hurado. Medyo malungkot pa kasi kakasundo pa lang ni Lord kay Daddy. Pero sure akong magugustuhan pa rin ng biyenan ko ang luto ko kung narito pa siya.

Sorry for the loss, Rome :( Parang kelan lang, kakabasa ko lang yun komento nya tungkol dun sa mga luto mo. Pero maganda nyan, ipagluto mo sya ng paborito nyang pagkain. Tama ka at ma-appreciate nya yun. God bless your family.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 57135.10
ETH 2349.23
USDT 1.00
SBD 2.39