Kusina ni Nanay Romeskie | Adobong Sitaw

in #food6 years ago

image
Source

Magandang araw! Mataas na ang araw kaya kailangan na namang kumilos. Pinaikot ko na ang mga labahin kaya pwede nang maghanda ng tanghalian habang naglalaba. Ang ulam natin ngayon ay walang iba kundi Adobong Sitaw!

Sunod-sunod na araw na baboy at manok ang pinagpapalit-palitan kong ulam kaya ngayong linggo, mag-gugulay tayo!

Tara na't magluto!

Mga Sangkap

  1. Sitaw
    Putul-putulin nang may habang isa-t kalahati o dalawang pulgada.

image

  1. Baboy
    Pang sahog lang. Hiwain nang maliliit.

image

  1. Sibuyas
    Hiwain nang maliliit.

image

  1. Bawang
    Pitpitin at tadtarin

  2. Toyo
    Kaunti lang nito. Huwag sosobra. Matuto sa nakaraang pagkakamali.

  3. Suka
    Kalahati lang ng dami ng toyo.

  4. Tubig
    Isang tasa lang. Para may sabaw kahit papaano.

  5. Paminta, Patis/asin, malunggay powder

Paraan ng pagluluto

  1. Painitin kawali bago ilagay ang mantika
  2. Kapag mainit nanrin ang mantika, ilagay ang sibuyas
  3. Kapag maputla na ang kulay ng sibuyas, isunod na ang bawang. Samyuhin ang amoy ng ginigisang sibuyas at bawang. Ang sarap, ano? Huwag mong sunugin, igisa mo lang nang maigi.
  4. Isunod ang baboy. Gisahing maigi hanggang sa maputi na ang bawat gilid nito.
  5. Isunod ang sitaw. Igisa rin para kumapit din dito ang lasa ng ginisang sibuyas at bawang. Huwag lang masyadong haluin nang sobra dahil malalamog ang gulay. Lahat ng sobra ay masama kaya makuntento sa sapat-sapat lang.
  6. Lagyan ng 1/8 tasang toyo. Kung nakukulangan ka, pwede mong dagdagan pero kaunti lang. Huwag trigger-happy para hindi uliy maging matapang ang pagkakaluto.
  7. Natandaan mo ba kung gaano karami yung toyong idinagdag mo? Kalahati nun ang dami ng suka na ilalagay mo. Hindi gaanong sitaw kaya kontian mo lang ang suka, anak.
  8. Lagyan ng paminta.
  9. Kung nakukulangan ka pa sa alat, lagyan ng kaunting patis o asin. Hinay-hinay lang sa maaalat at masama sa kalusugan ang masyadong maalat.
  10. Lagyan ng Malunggay powder.

image

Mabilis lang ang pagluto ng Adobong Sitaw. Huwag mong masyadong tagalan dahil magiging masyadong malambot ang gulay. Kapag naman kulang sa oras ang pagkakaluto ay medyo malutong ang gulay na parang hindi naluto. Kaya tantiyahing maigi ang oras. Kumuha ng isang pirasong sitaw sa niluluto para matingnan kung kuntento ka na ba sa pagkakaluto nito. At tandaan, mababang apoy lang dapat ang gamitin lalo na kapag gulay ang iniluluto para hindi agad malamog.

Komento ng hurado:

image

Maraming nakaing kanin ang anak ko ngayon at talaga namang nanghingi pa ng dagdag. Mukhang hindi matapang ang luto ko.

Si Tatay Ritsard naman ay nalungkot. Kasi naparami na naman daw ang kain niya. Ako nama'y tuwang tuwa. Hehe

Bukas gulay ulit ang lulutuin sa Kusina ni nanay Romeskie.

Laging tandaan, ubusin ang gulay para lahat tayo'y hayahay.


Maraming salamat sa pagbabasa!


Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan


Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord


2123526103.gif

QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg

romeskie.png

Sort:  
Hello.😊

Congratulations @romeskie, your post has been featured at Best of PH Daily Featured Posts.

You may check the post here.😉


About @BestOfPH

We are a curation initiative that is driven to promote Filipino authors who
are producing quality and share-worthy contents on Steemit.


See Curation/Delegation Incentive Scheme here. Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Follow our trail and vote for curated Pinoy authors. If you are a SteemAuto user, @bestofph is an available trail to follow.

If you want to be part of the community, join us on Discord

Ayoko ko ng sitaw, pero napapakain ako kapag lutong adobong sitaw or sinigang with sitaw at okra. ❤❤❤❤

Ewan pero napakanta ako ng "Bahay Kubo" @romeskie. LOL.


This post was shared in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.028
BTC 76323.20
ETH 2986.08
USDT 1.00
SBD 2.62