Kusina ni Nanay Romeskie: Bistek na hindi naging Walastik :(

in #food6 years ago (edited)

image
Source

Isang malungkot na araw sa Kusina ni Nanay Romeskie kahapon. Nagluto ako ng Bistek Tagalog at naibahagi ko na rin dito ang paraan ko ng pagluluto nito dati. Malinamnam ang kinalabasan ng mga nauna kong luto. Pero kagaya ng buhay, minsan masaya, minsan malungkot, hindi naging kasing saya ng dati kong mga luto ang nagawa kong bistek kahapon.

Matapang ang pagkakatimpla mo ngayon, Mahal.

Maswerte pa rin naman ako dahil matapat magkomento ang aking esposo pero hindi niya kinakalimutang maging sensitibo sa damdamin ko. Hindi ko alam kubg sinasadya niya pero sa tuwina ay maingat ang pagpili niya ng mga salita. At kapag may mali sa pagkakaluto ko ay agad siyang dumederetso sa suhestiyon at nilalampasan niya na ang pagpuna o paglait ng luto ko.

Mangyari kasi ay nawili ako una, sa pag-eeksperimento at pangalawa sa pagbuhos ng toyo.Kadalasan ay hindi ko ibinababad ang iluluto ko sa marinade pero dahil gusto kong maging mas malasa ay naisipan kong timplahan na ng toyo at calamansi ang baboy na lulutuin ko kinabukasan. Nagkamali ako sa pagsukat ng dami ng toyo. Dahil sa ayaw kong masayang ang toyo, (dahil ibinuhos ko ang maraming toyo sa nahiwa ko nang calamansi) hinabol ko na lang sa dami ng calamansi. Naghiwa pa ako ngas marami pa. Saka ko ibinabad ang baboy dito. Buong magdamag ang pagkakababad kaya nang inilabas ko ang baboy ay kulay itim na itim na ito. At bilang maninipis ang pagkakahiwa ko sa baboy, kumaput nang husto ang alat ng toyo rito.

Sumama ang loob ko dahil hindi ko nagustuhan ang luto ko. At pati si Aya ay tumanggi sa inihain ko sa kanya. May pagkabrutal din ang katapatan ng mga bata. Nakadudurog ng pagkatao. Ako naman ay pinilit din ang sarili na ubusin ang sinandok na kanin at ulam.

image
Source

Pero marami akong natutunan.

  1. Siguraduhing tama ang ratio ng baboy sa toyo. Dapat ay hindi pa gaanong lubog na lubog ang baboy sa toyo kapag ibababad ito rito.

  2. Unahin ang toyo bago ang calamansi para maaari pa ring bawasan ang toyo at magamit sa ibang lutuin kung napasobra ka ng salin.

  3. Kung napasobra nga ng salin, huwag nang ipagpilitang gamitin lahat. Mas mainam nang toyo na lamang ang masayang kesa ang luto mo mismo ang masayang. :(

  4. Habang nagluluto, maaaring dagdagan ng mas maraming tubig ang niluluto para mabawasan ang alat ng toyo.

  5. Sundin ang paalaala sa sarili na hinay-hinay lang sa pag-eeksperimento lalo na at pagkain ang pinag-eeksperimentuhan.

image
Source

Nalungkot talaga ako nang sobra sa kapalpakan ko pero gaya ng buhay, hindi lahat ng susuungin mo ay matagumpay. Ang mahalaga ay matuto tayo sa ating pagkakamali. At subukang huwag nang maulit ang parehong pagkakamali.

Nagluto ako ngayon ng menudo. Ikukuwento ko ang kinalabasan sa susunod na edisyon ng Kusina ni Nanay Romeskie.

Hanggang sa muli!


Maraming salamat sa pagbabasa!


Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan


Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord


2123526103.gif

QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg

romeskie.png

Sort:  

Okay lang yan, kakainin ko pa rin yan kung saka sakaling napagawi sa iyong kusina @romeskie.

Haha. Salamat sa suporta! Isa kang tunay na kaibigan! Hahaha

Hahaha nasayangan sa toyo si ateng.. experimenting produces great works..sa yo great food. Hinde man great un latest..perhaps un mga susunod.
Pwede kaming tasters ate next time.

Hahaha.. sige.. basta fair warning: Eat at your own risk ang mga menu sa kusina ko ha. Hahaha

Weather-weather lang when we die. Wine or agua dadalhin??🤣😆😂

Ishred mo siguro ung left over na ulam tas isama sa sinangag? Recycle na lang ang failed bistek. 😉

Oo tama. Dapat pala sinama ko rin yan sa listahan ng mga natutunan ko. Hahaha

ganun talaga ate @romeskie minsan sumusobra na tayo at minsan mali ang pagtantsa natin sa mga bagay-bagay. gayunpaman, maaari pa rin namang maitama ang mga pagkakamali lalo na kung aminado ka sa mga ito at handa kang magbago para maitama ito. ano ba itong pinagsasabi ko? napahugot tuloy ako. patikim nga ng pork steak na yan nang mahusgahan. nyahaha! 😂

Hahaha. Pork steak lang pinag uusapan natin dito kuya jampol ha. Wahahaha. Naku. Hindi papasa to sa standards mo. Magpapraktis pa ako. Hahaha

parang gusto ko rin magsulat ng ganyan. ung mga luto-luto tapos hugot-hugot. nyahaha! 😂

Haha. Magbukas ka na rin ng kusina ni jampol.

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 76576.73
ETH 3043.84
USDT 1.00
SBD 2.62