Bakit Hindi Dapat Sumuko Kahit Duguan Na Ang Lahat ng Crypto

in filipino •  10 months ago

Kung baguhan ka pa lang sa crypto tulad ko, malamang na malaki na ang nawala sa halaga ng mga coins mo sa lumipas na mga buwan. Nakakatakot ito.

Ako, bilang halimbawa, ay namuhunan ng 34,000 pesos. Ngayon, halos 31,500 nalang ang halaga ng steem ko. Mas lumiit pa samantalang ang laki ng itinaas ng bilang SP ko.

Pagkabili ko ng SBD, ginamit ko lahat kaagad yun para i-promote ang mga post ko. Maingat kong ini-rekord lahat ng transactions ko. Magkano ang kinita. With matching notes pa kung bakit tumaas or bumaba.

Noong magastos ko lahat ng SBD ko, nakaipon ako ng 218 na SP. Umabot ng mahigit $3 ang steem noon kaya ang laki kaagad ng itinaas ng value ng steem ko. Nabili ko lang ito ng wala pang $2.

Noong kataasan pa ng steem, umabot sa halos 80K na halaga ng steem ko. Wala pang two months yun. Lampas doble na!

Ngayon halos malapit na sa $1 ang value ng steem. Kaya mas mababa na ang value ng steem holdings ko kahit na meron na akong 371 na SP ngayon.

Pero . . . Andami ko ng steem ngayon. Kaya kapag bumalikwas na ang presyo ng steem. Malaki-laki na rin ang na gain ko.

At hindi ako tumitigil. Every week may bagong post ako na pinopromote ko gamit ang Minnowbooster. Kasi, meron kang garantisadong 18% na kita. Kung whitelisted ka, 25% yan.

Kaya go lang ng go.

Ganun Talaga ang Buhay

Sabi nga ng grupo ng mga dakilang philosophers na tinatawag na Aegis, "Noon ako ay nasa ilalim, Bakit ngayon nasa ilalim pa rin, Sana bukas sa ibabaw naman."

The point is, and I do have a point, ganun talaga ang crypto. Simula pa ng magsimulang umiral ang kaunaunahang cryptocurrency, naging napakalikot na ng presyo nito.

Minsan sobrang tataas. Minsan naman sobrang lalagapak. Kung maglalaro ka ng crypto game, dapat handa ka. Kung hindi, aatakihin ka sa puso kapag sumadsad ang coins mo.

Para Lang Gulong Yan

I know, I know. Cliche.

Pero base na rin sa history ng presyo ng mga coins, sobrang babagsak yan. Tapos sobrang lilipad naman ng pagkataas-taas. Kaya actually, ngayon ang pinakamaganda panahon para bumili ng coins. Kasi, kahit bumaba pa ulit yan, hindi magtatagal, tataas din yan ulit.

Ang Grand Plan Ni Digital Dreamer

Sa mga tagalog-speakers ko lang i-share itong masterplan ko. Pero, if you're paying attention, malamang alam mo na kung ano ang ginagawa ko.

Ganito yun. Nagpawhitelist muna ako sa minnowbooster. Maraming benefits kasi. Una, mataas ang daily spend limit mo. 100 SBD kung whitelisted ka. 50 SBD lang yan kung hindi ka whitelisted.

Mali ang Math Ko, Pero Worth Looking At

Isipin mo, kung mag spend ka ng 100 SBD, babalik sayo worth 125 SBD. Kaso siyempre, kalahati noon ay SP.

Kaya yung 100 SBD mo, magiging 125 SBD dapat. Kaso, kalahati noon magiging SP. So, 62.5 na SBD, at depende sa presyo kung ilang SP ang makukuha mo.

Pero para sa example na ito, sabihin na nating 38 SP ang makukuha natin. Kung 1 SP = 1.3 SBD, ibig sabihin 49.4 SBD plus yung kanina na 62.5 kaya total mo ay 111.9. Not exactly 25% ano?

Pero hindi pa rin masama. Yung 11.9% mo ay malaking interest na kung tutuusin.

Kung Bakit Kailangan Talaga Mag-Power Down

Kaso, hindi mo naman makukuha yung SP mo basta-basta. You have to wait for 13 weeks para maging liquid asset yung steem power mo.

Kaya, kailangan mo talaga mag-power down. Okay lang yun. Kasi, kahit nagpa-powerdown ka, lumalaki pa rin ang SP mo everytime na bumili ka ng upvotes from minnowbooster.

Kung malaki puhunan mo, mas mabilis lalaki ang steem power holdings mo sa ganitong sistema. Kung maliit lang, tiyaga lang kasi lalaki din yan.

Ako personally, I'm giving steem 3 years. Rolling lang ng rolling. Diyan mo makikita ang power ng compounded interest. Kasi kapag kinuha mo kaagad, wala rin. Dapat long-term ang strategy mo.

I realize na hindi naman ito posible para sa lahat. Pero kung meron kang extra na pondo na nakatago lang sa ilalim ng kutson mo, mas maganda pa ilagay na yan sa steem.

To conclude, 1) stick with minnowbooster 2) huwag muna mag-widthraw.

Sana may natutuhan ka sa post na ito.

Ang picture ay galing dito:

http://www.chikka-nessavenue.com/2018/06/aegis-celebrates-20th-anniversary-with.html

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Mabuti na lang tinagalog mo at mas masmadali ko na naintindihan hindi pa nagdugo ilong ko.hehe..;-)

Congratulations @digitaldreamer!
Your post was mentioned in the Steemit Hit Parade in the following category:

  • Upvotes - Ranked 4 with 1214 upvotes

Hello, as a member of @steemdunk you have received a free courtesy boost! Steemdunk is an automated curation platform that is easy to use and built for the community. Join us at https://steemdunk.xyz

Upvote this comment to support the bot and increase your future rewards!

Wow very inspiring post. You are fortunate that you have money to invest but most of the planktons and minnows are struggling. Right now I would like to help them through my upvote service that just started.

Still your post very helpful for us that will motivate us to do more in this platform. I hope you could help us. Thank you!