Tula (poem)

in #filipino6 years ago

INA ( A Mother's poem )

Hindi ako magigising sa umaga kung wala ka
Ikaw yung inspirasyon ko, Ina
Nagsisilbinf gabay sa akin
Sa aking araw-araw na gawain

Siyam na buwan mo akong bitbit
Tag-ulan man o tag-init
Sobra ang aking pasasalamat
Nong nakita ko kayo sa aking pagmulat

Salamat sa iyong pag-aalaga
Mula pagbata hanggang pagdadalaga
Salamat sa mga haplos at protekta mi sa akin
Ito'y araw-araw kong hahanap-hanapin

Patawad kong ako'y naging pasaway
Dulot nitoy iyong lumbay
Pangakong buhay ko'y iaalay
Ibubuhos ang pagmamahal na panghabambuhay

Ilang araw nalang at ika'y lilisan
Ika'y magsasakriposyo para problema nati'y malalampasan
Dalawang taon kang mawawala
Ika'y mamimiss ko ng sobra-sobra

Alam kong tutulungan tayo ng Panginoon
Upang buhay matin ay aahon
Lahat ng ito ay may dahilan
Kaya't ito'y dapat paghirapan

Ikay huwaran
Kaya dapat kang tularan
Magiging inspirasyon
Sa aking muling pagbangon

Ikaw ay lahat sa akin
Aking Inang butihin
Gusto ko lang ipaalam sayo
Ika'y mahal na mahal ko.

IMG_1932.JPG
NoIMG_1932.JPG

Sort:  

Thanks for the vote😉👍

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 57028.16
ETH 2358.36
USDT 1.00
SBD 2.40