#281 Filipino Poetry: "Karangalan"

"Karangalan"


Katapangan ang siyang pinairal
ang kagustuhang mapalaya
at makahinga sa malupit na pangangalaga
nagmukha tuloy itong daga kawaawa

Bawat bigkas ng salita lumalabas
galing sa munting damdamin at isipan
mga panghihinayang gawa ng
kalapastanganan sa sariling bayan

Tila ba ako ay natutulog sa madilim
at malungkot na bangungot
ako ay nahirapan at lugmok
ganito nalang ba tayo nakatingin sa sulok

Kaya itong mga munting salita
sana ay bumaon sa mga munting
isip at isapuso dahil sa ito
ay karangalan sa lahat pati
sa buong bayan


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 64455.55
ETH 3147.84
USDT 1.00
SBD 3.94