#261 Filipino Poetry: "Sa oras ng Unos"
"Sa oras ng Unos"
Sa tuwing may panganib na darating
mala delubyo man o malakas na trahedya
buong sambayanan ay nangangamba
sa laro ng buhay at kasawian
Damang dama ang panganib na dala
tuwing may unos na sinasabi sa balita
pati mga hayop ay kusa nalang
nababalisa at ito ay hindi ka aya aya
Kahit may unos man na parating
lindol, sunog at bagyo kung anu ano
ay sana lagi tayo maging matatag
hindi dapat papatinag
Ngunit sa mga panahon na ganyan
ay huwag nating kalimutan na
di lang sa oras ng unos tatawag at mag dasal
kasi nasisiguro ko hindi natin alam
kong kalian darating sa atin ang bingit ng kamatayan
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
Image Taken from Unsplash