#259 Filipino Poetry: "Tagtuyot"
"Tagtuyot"
Oh kay buti ng ating inang kalikasan
masagana at mapayapa ang pamumuhay
ng mga tao sa buong bayan
masustansyang mga pagkain at
magandang simoy ng hangin
Tila parang bukod na pinagpala
halamanan at kagubatan ay may dalang
sariwang hangin sa bukid na malayo
sa magulong buhay sa syudad kung sabihin
Subalit di maiwasan ang mga bagay bagay
katulad ng unos na sadyang dulot ng
kawalan ng responsibilidad sa paglinis
at pagtapon, at kaya nagka ganun tayo ngayon
Ang pagka iresponsabli ay nag uudyok ng sakuna
pati yung iba na dadamay na
ang masaganang ani ay bihirang bihira
dahil sa matinding init na dala ng tagtuyot
dahil sa masamang usok na dala at gawa ng iba
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
Image Taken from Unsplash