#256 Filipino Poetry: "Aking matalik na Kaibigan"
"Aking matalik na Kaibigan"
Simula nang ikaw ay aking masilayan
ang unang haplos ng aking kamay
sa iyo ay nagbigay pugay
iba ang hatid mong ngiti sa aking buhay
Sa araw araw na aking pagpasok
pagka uwi ko ay ikaw ang sumusundo
bunto't mo ay ini wagayway
para kung anong haba ang pag alis ko sa bahay
Kasamba kita sa hirap at saya
kahit minsan humihingi ka sa akin ng tira
hindi ka nagagalit sa akin
dahil ayaw kong magkasakit ka
Sana pagdating ng araw na ikaw ay lilisan na
huwag ka sanang magalala
dahil sa ikaw ay susulubong sa akin
sa bahay ng pinangako ni Ama
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
Image Taken from Unsplash