#247 Filipino Poetry: "Pinakahihintay"
"Pinakahihintay"
Ang sandali na sa akin ay pinagkait
ang munting buhay ay inaalay para sa kasaganahan
makita ka lamang masaya at
hindi nahihirapan sa panahon ng kahirapan
Ako ay subrang nagagalak
kasiyahay di maipaliwanag
'pag ika'y kasama ang malungkot na sandali
napapawi sa iyong mala anghel na ngiti
Ang pighati na nasa dibdib
kahirapan at kalungkutan ay
parang tinik na iyong inalis
haplos ng kamay na parang galing langit
Kaya abot langit ang aking pasasalamat
ang pinakahihintay na sandali
sa aking buhay ay gumanap
mala teleseryeng pero ito ay natupad,
kaya ako ay napasambit ng Maraming Salamat!
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
Image Taken from Unsplash