#204 Filipino Poetry: "Magpakailanman"
"Magpakailanman"
Oh kay saya ng mga alaala
nung ako'y bata pa
yung sabik na sabik kang matulog
kasi magdadasal ka na at makikipag usap kay bathala
Naalala ko pa tuwing kapaskohan
sabik na sabik bumangon sa silid tulugan
kasi may mga tsokolate na naman sa medyas
na sinabit sa pintoan
Kay sarap maglakbay sa nakaraan
at lasapin ang mga eksena sa buhay
na kumulay sa aking kabataan
mga alaalang di kaya palitan ng luho ng sinuman
Kaya ako'y napaisip
itong salitang gustong ipahiwatig
na sa lahat na bumabasa ay sana
pahalagahan ang mga oras at sandaling
kasama ninyo inyong magulang
kasi baka bukas pangalawa
hindi niyo na maasam
ang pagmamahal nila magpakailanman
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
Image Taken from Unsplash