#172 Filipino Poetry: "Katawan"

photo-1458312631043-b3ee472ec089.jpeg

"Katawan"


Ingatan ang ating katawan,
Dahil nag-iisa lang ito
Ito'y bigay ng Maykapal,
Isang templong sagrado at banal

Wag pabayaan,
Sapagkat kawawa ang kaluluwa at isipan
Wag abusuhin,
Dahil ikaw ay magiging masakitin

May mga katawan na mataba
At meron din namang payat
Ngunit kahit ano sa dalawa,
Ang masama ay yong hindi ka marunong umalaga

Sa pagdaan ng panahon,
Di natin mapipigilan ang katawang tatanda
Kukulubot ang balat,
at magiging kuba ng bahagya.

Sa huli kung saan tayo nanggaling,
Ay ganoon lang ang ating kahahantungan
Katawan na gawa sa lupa,
Pag kinuha ng Diyos, ay babalik din sa lupa.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.18
JST 0.031
BTC 87237.56
ETH 3192.65
USDT 1.00
SBD 2.94