#166 Filipino Poetry: "Katanggap-tanggap"
"Katanggap-tanggap"
Naiisip mo ba minsan na,
Ako ay tao lang at nagkakamali
Na sa lahat lahat ng aking pagkakamali
Ay pinagdusahan ko bawat sandali
Nais ko lang magkaroon ng kasiguraduhan
Na sa huli, tayo'y magkakatuluyan
Katanggap tanggap ba ako sa iyong mga mata
Kahit kamalian na lang ang tanging nakikita
Wag mo sanang masamain
Na may oras na ako'y may hihilingin
Hihilingin ko sana na marinig sa iyo
Ang mga salitang nais kong ipagsigawan sa mundo
Tanggapin mo ang munti ko hinaing
Na kahit na nakakairita ay hindi mo mamasamain
Ito'y maliit na bagay lamang kung sa iyong tingin
Ngunit kapag lumaki ay bagabag sa aking damdamin.
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
Image Taken from Unsplash