#150 Filipino Poetry: "Kabiguan"
"Kabiguan"
Mga kuwentong iyong iniyakan
Mga kuwentong iyong dinamdam ng lubusan
Ito ang mga tipong kuwentong may mattututunan ka
Dahil nakatatak na sa iyong ala-ala
Wag magtaka kung may isang tao diyan
Na wala ng maisip na mabuti sa kalooban
Pagkat sila yung mga tao na
Kabiguan ang tanging nakukuha
Madamot kung minsan ang tadhana
Pagkabigo lagi mong natatamasa
Ang mga taong tatalikod sa'yo
Dahil sa tingin nila hindi ka mananalo
Isang bagay lang ang tandaan
Na ang mga pangyayari sa mundo ay panandalian lamang
Ikay magbunyi dahil ikaw ay nabigo
Dahil ang ibig sabihin lang nito, ikaw ay matututo
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
Image Taken from Unsplash