BULONG

bulong
pixabay

Ikaw ay napadaan sa aking harapan,
Puso'y kay bilis ng tibok, di mapigilan.
Tawagin ang yong ngalan aking sinubukan.
Di kaya ng dila banggitin ang yong ngalan.

Laging kong hinihiling, ikaw ay tumingin.
Sa mga mata ko ay sayo lang nakatingin.
Di man abot ang aking lihim na pagtingin,
tanging alam ko'y ikaw aking iibigin.

Isang araw, kasama ang aking kaibigan.
Ikaw ay dumaan sa aming harapan.
Ngiting nakakasilaw aking nasilayan.
Pagtibok ng puso ko'y di na maramdaman.

Mga mata natin ay nagkatagpo.
Pakiramdam ko'y oras ay huminto.
Di ko namalayan, tingin mo'y lumiko.
Sa katabi ko, mata mo'y nagtungo.

Kasama kong kaibigan, alam aking pagtingin.
Ngunit, di ko akalain na siya ang iyong ibigin.
Di ko malaman ang aking gagawin.
Pero sa aking tingin,
ang bulong ng puso ay tanging ikaw ang iibigin.

36223014_1959859287420786_8978149955671687168_n.jpg

Sort:  

whisper quietly

love it. :)

that's it... haha.. secretly loving someone who can't love you back.

Wow, in love si SD,hehe.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 60085.46
ETH 2416.33
USDT 1.00
SBD 2.43