Wikang Pilipino

in #filipino-poetry6 years ago

_20180204_182654.JPG

Ang wika ay may likas at katutubo
Ito ay nililikha ng mga tao
Nauuri ang wika sa kaanyuan
Ito'y daan sa pakipagsapalaran.

Ito'y wika ng mabisang kasangkapan
Itinuturing saplot ng kaisipan
Ito'y mabisang kasangkapan ng tao
May kayarian ito'y nakabubuo.

Ang sariling atin ay may kakanyahan
Isa din itong mabuting kasangkapan
Ito'y nakabatay sa ating kultura
Sumasalamin din ito sa ating sarili

Ito ay bahagi ng ating kultura
Pakipag unawaan sa kanyang kapwa.
Ito'y pinipilit at isinasaayos
Biyayang nangaling sa Diyos.

Pinagsama para magkaunawaan
May kakanyahang hindi inaasahan
Ang wika ay ating pahahalagahan
Ito'y mahalagang tunay na kailangan.

Sort:  

Power vote dito. 👍👍

Hehehe Thank You

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 64741.88
ETH 3457.21
USDT 1.00
SBD 2.55