Ikaw at Ikaw Lang

in #filipino-poetry6 years ago

_20180126_154134.JPG

Ikaw ang dahilan kung bakit sa labi ay may tuwa
Ngunit ikaw din ang dahilan kung bakit sa mata ay may luha
Ikaw ang taong nais kong habang buhay na makasama
Pero ikaw din ang naging dahilan kung bakit ngayo'y nag-iisa.

Ikaw ang taong nagbigay sakin ng pag-asa
Subalit ikaw din ang dahilan kung bakit ako'y nawalan ng gana
Ikaw ang dahilan kung bakit natutong lumaban
Ngayon ikaw ang dahilan, kung bakit susuko nalang.

Ikaw ay nagsilbi, saaki'y inspirasyon
Ngunit ikaw din dahilan para sumuko, noong lumaon
Ikaw ang nagbigay ng kulay sa aking buhay
At ngayo'y ikaw din ang dahilan kung bakit hindi maabot ang tagumpay.

Ikaw ang nagsisilbi saakin ay kaligayahan
Ngayo'y dahilan kung bakit ako nasasaktan
Ikaw at sayo umiikot ang aking mundo
At nang dahil din sayo, kaya ito huminto.

Pagkat ikaw ang bumuo dito saaking puso
Ikaw din ang dahilan kung bakit ito'y nahati sa ilang pirasoIkaw ang taong nagbigay saakin ng kalakasan
Ikaw din ngayon pinakamabigat na kahinaan.

Ikaw ang nag-alis sa puso ko ng mga takot
Ikaw din naman ang nagbalik ng hapdi at kirot
Ikaw ang dahilan ng bawat halakhak
Ngayo'y dahilan kung bakit ako umiiyak.

Ikaw ang nagturo saakin kung paano magmahal
Ngunit ikaw din ang dahilan kung bakit takot na akong maghamahal
Ikaw ang pangarap, hiniling ko sa Maykapal
Ngunit ikaw pala ang taong kahit kailan ay hindi ako minahal.

Ikaw ang taong nanakit saakin ng husto
Ngunit kung papipiliin, ikaw padin ang pipiliin ko
Dahil ang ikaw ang taong may isang milyong dahilan para kalimutan
Pero ikaw din yung taong may natatanging dahilan para patuloy na ipaglaban.

Ikaw ang taong dapat ko nang ibaon sa limot
Ngunit ikaw padin ang taong mamahalin ko, sa kabila ng mga takot
Pagkat kahit si ikaw ay hindi minamahal si ako
Ikaw padin si ikaw na pipiliin ng puso ko.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.12
JST 0.028
BTC 66131.28
ETH 3598.17
USDT 1.00
SBD 2.46