Ang Babae. [Balagtasan namin ni @ahna8911]

sunset-3087474_960_720.jpg

Ang larawan na ito ay nag-mula sa Pixabay

"Ang Babae"

Babae sa aking harap
Ngumingiti kahit mahirap
Alam kong hndi ito ang kanyang pangarap
Pero kailangan nyang makiharap

Bungisngis, tawang malakas
Walang lungkot na mabibigkas
Akala mo'y tunay ang lakas
Damdamin pala'y nag aaklas

Panlabas lang ang tapang
Lungkot ay pilit tinatapon sa pangpang
Kaligayaha'y parang may harang
Nalulungkot na parang hunghang

Kasiyaha'y di matiyak
Pagpapanggap ang gayak
Mukha ay laging payak
Yun pala'y umiiyak

Maligaya kung maituturing
Ngunit bakit tila walang ningning?
Dahilan ay di mabutingting
Napapaisip na parang praning

Masaya naman sa pag aari
Pero may lungkot na di mawari
Ano nga ba ang dapat maghari?
Masaya na may lungkot, di ba talga maaari?

Alam sa sarili'y may kulang
Kasiyaha'y bitin ang bilang
Ngingiti nalang para di mailang
Di mawaring lungkot, siguro'y ipagsasawalang bahala na lang.

Litong lito na sa magulong damdamin
Lungkot ay ayaw ng kimkimin
Di alam pano maaamin
Na ako pala'y nakaharap sa salamin.

U5dsH6Ru4eMfEgPmi6XphcKMkuF5wrg.gif

sheshebaylosis.png

Sort:  

..ahahaha dapat ANA title eh...😂😂😂

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 66560.03
ETH 3447.91
USDT 1.00
SBD 2.64