Filipino-poetry : " Ina't Ama "

in #filipino-poetry6 years ago (edited)

Saaking mundong sinilangan,
sina ina't ama ang naging sandalan.
Sa problema't kasiyahan,
sila ang laging nandiyan.

Hindi man sila perpekto,
Katulad lang din natin sila na tao.
Para man silang pusa't aso,
hindi natatapos ang araw na di sila nagkakasundo.

Masaya...masaya ang kumpletong pamilya.
Hindi kulang sapagkat nandyan sila.
Hindi sila nagkulang sa pag aalaga,
nagtatrabaho pa't nagtitiyaga.

Masaya? Hindi kulang? Hindi nagkulang? Nagtiyaga?
Lahat nang iyan naglaho ng parang bula.
Ang noo'y nagmamahalang pamilya,
ganon pa din ngayon ngunit may kulang na.

"Once a cheater, always a cheater." ang sabi nila.
Lumipad kami sa probinsya from Manila.
Dahil lang sa nagkaroon na sila ng kaniya-kaniya nilang jowa.
Pero ayos lang, basta't masaya sila.

Bilang isang anak ninyo,
ina't ama, mahal ko kayo.
Kahit wasak na ang relasyon niyo,
hindi niyo kinalimutan ang responsibilidad ninyo.

Ina't ama, ang tanging hiling ko lang ay mabuo tayong muli.
Na sana'y maibalik ang dati.
Ang pamilyang nasira dahil sa isang pangyayari...

Sana maibalik pang muli...

divorce-photo1.jpg

Source


isinulat ni @ruelx

06 / 08 / 2018


steemitfamilyph.jpg

I am a part of @steemitfamilyph. Join us! Follow - Upvote - Resteem - Comment
Be a member on our Facebook page -- Click this Link

PicsArt_01-31-09.52.22.png

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.20
JST 0.034
BTC 98944.63
ETH 3375.99
USDT 1.00
SBD 3.10