"MANHID KA" : TULA

in #filipino-poetry6 years ago

image
Photo Credit

Sariwa pa sa aking mga isipan,
Ang mga katagang sayo'y aking napakinggan.
Habang pumapatak ang malakas na ulan,
Na tila ay nakikisabay sa aking nararamdamang kalungkutan.

Walang ibang narinig itong sarili ko,
Kundi tibok lamang nang aking puso para sayo.
Hindi tibok ng nagmamahal o kinikilig,
Kundi tibok nang pusong nasasaktan at nagmamahal nang palihim.

Sadyang napakaswerte niya dahil ang mga katagang iyong nasabi ay kaniya nang narinig,
Habang ako'y nasa isang gilid at nilalamon na nang nginig.
Siya naman ay sobrang tuwa habang nakakaramdam nang kilig.

Ang tanging maipapayo ko lamang sa iyo,
Kung ikaw ay sasaktan man niya nandito ako handang-handa paring sumalo sa iyo.
Ayos lamang kung di mo parin ko kayang mahalin nang pabalik,
Sa hangin ko na lang ipapadala ang aking mga mumunting halik.

Please follow and support our very own @surpassinggoogle and @teardrops. VOTE @steemgigs as your witness!

Sort:  

Nakakabagbag damdamin na tula.😊 😊😊

Hi LOVE YOUR POST MAN!!! LIKE MY POST TOO!!!!! HERE IS THE LINK: https://steemit.com/bots/@abusereports/last-minute-upvote-list-2018-05-02

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.16
JST 0.032
BTC 59435.06
ETH 2521.75
USDT 1.00
SBD 2.42